Nolasco's Maraming Wika

Keynote na Talumpati sa 2007 Nakem Conference
Mariano Marcos State University, Mayo 23, 2007

MARAMING WIKA, MATATAG NA BANSA

Ricardo Ma. Nolasco Ph.D.
Tagapangulo, Komisyon sa Wikang Filipino

Isa pong karangalan at pribilehiyo para sa akin at sa Komisyon sa Wikang Filipino na maimbitahan at makapagsalita sa inyong kumperensya. Ang ibabahagi ko sa inyo ngayong umaga ay tungkol sa bisyon, direksyon at mga programa ng KWF para sa susunod na tatlong taon, o hanggang 2010. Ibinabahagi ko ang mga ito sa inyo sa pag-asang yayakapin ninyo ang nasabing mga bisyon, direksyon at programa bilang sarili ninyong bisyon at programa.

Kamakailan lamang ay nagkasundo ang pamunuan ng KWF na baguhin ang aming bisyon. Ang pangarap namin ay: “maging sentro ng kapantasan sa mga wika at literatura ng mga Pilipino.” Umaalinsunod ang pangarap na ito sa aming mandato na paunlarin, palaganapin at panatilihin ang mga wikang ginagamit ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.

Ang ganitong bisyon at misyon ay pag-amin na bagamat ang KWF ay siyang opisyal na ahensyang pangwika ay malayo pa rin ito sa pagiging tunay na sentro ng kapantasan at kaalaman sa mga wika at panitikan ng mga Pilipino. Ang itinatayo namin ay isang sentro ng impormasyon, dokumentasyon at pananaliksik; na may kuwerpo (corps) ng mga mananaliksik na may mataas na kakayahan sa linggwistika at applied na linggwistika (hal. pagtuturo ng wika) at pagsasaling-wika; isang sentro na katatagpuan at naglalaman ng lahat ng mga pag-aaral at akda tungkol sa mga wika ng Pilipinas; isang sentro na may kamalig ng mga datos sa ibat ibang wika, at sa ibat ibang genre, kasama na ang audio at video recording ng mga pangyayaring komunikatibong may mga anotasyon at komentaryo; isang sentro na lumilikha ng mga orihinal at huwarang mga diksyunaryo, gramatika, ortograpiya, iskolarli na mga babasahin, materyales sa literasiya at reperensya sa pagtuturo sa magkakaibang disiplina; at isang sentro na dalubhasa rin sa teknolohiyang pang-impormasyon at pangkomunikasyon upang magampanan ang gawain ng pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili ng mga wika sa Pilipinas.

Ang pangarap naming ito ay nagmumula sa aming pagkilala sa kahalagahan ng mga wikang ginagamit ng mga Pilipino—ang wikang pambansa, ang mga wikang panglokal at mga wika na pang-ibayong dagat--- para sa magkakaibang mga layunin: para sa literasiya at edukasyon ng ating mamamayan; para sa layuning pangkultura at intelektuwal; para sa pagkakakilanlan at etnisidad; para sa pakikipagtalastasan sa loob at labas ng bansa; para sa pag-unlad na pang-ekonomiya; at para sa kaisahan at katatagang pampulitika.

Gusto naming isipin na lipas na ang panahon na ang mga gawain ng komisyon—sa katotohanan o sa karaniwang pagkakaalam-- ay eksklusibong nakatuon sa wikang pambansa, sa kapabayaan ng mahigit na 170ng wika ng ating bansa at nang walang makatotohanang pagsasaalang-alang sa isa pang opisyal na wika ng bansa, ang Ingles (o mas eksakto, Philippine English), na isa ring wikang ginagamit ng mga Pilipino.

Ito ang landas o linya ng “isang bansa, maraming wika”, na siyang simulain ng kasalukuyang tema ng buwan ng wika 2007, na “maraming wika, matatag na bansa.”

Ano ang batayan at katwiran ng “maraming wika, matatag na bansa”?

Ang batayan at katwiran ay may kinalaman sa pagiging multilinggwal at pagiging multikultural ng mga Pilipino. Sa halip na isang disbentahe, itinuturing ng komisyon na napakalaking bentahe ang pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit na 170ng wika. Pangsampu tayo sa pinakamaraming wika sa buong daigdig, sa kabila ng palasak at mapangmenos na palagay na ang mga wikang ito’y pawang mga dialekto lamang. Ang natural na kundisyon ng karaniwang Pilipino at ng karaniwang mamamayan ng daigdig ay hindi lang iisa ang alam nitong wika. Sa karaniwan, ang Pilipino at ang karaniwang tao sa daigdig ay may alam na dalawa o mahigit pang wika. Si Hesukristo ang pinakamainam na halimbawa ng pagiging multilinggwal, sapagkat marunong siya ng Aramaic, ng Hebrew, Griyego at Latin. Si pangulong GMA ay mainam na halimbawa ng isang Pilipino. Maalam siya sa Kapampangan, Sinebwano, Ilokano, Tagalog, Ingles at Espanyol. Dahil sa katotohanang ito, ang ideya at pangakong pag-unlad sa ilalim ng isang sentralisadong nasyon-estado na may iisang sentralisadong wikang pambansa ay naglalaho.

Gayunpaman, mayroon tayong wikang pambansa. Ito ang wikang Tagalog na nang dahil sa kumbinasyon ng mga sirkumstansyang historikal, pang-ekonomiya at sosyopulitikal ay naging komon na wika ng magkakaibang etnolinggwistikong grupo ng ating bayan. Ang kasalukuyang Filipino ay ang dating wika ng Katagalugan na naging pambansa. Ang Filipino, kung gayon, ay ang pambansang linggwa prangka.

Kung batayang panglinggwistika ang pag-uusapan, ang wikang pambansa at ang Tagalog ay nabibilang sa iisang wika. Ang unang batayan sa pagsabi nito ay ang tinatawag na mutual intelligibility. Ang isang nagsasalita ng “Filipino” at ang isang nagsasalita ng Tagalog ay magkakaunawaan. Kung gayon, nagsasalita sila ng isang wika.

Ang ikalawang batayan ay ang gramatika. Ang gramatika ng umiiral na “Filipino” ay walang pinag-iiba sa gramatika ng Tagalog. Totoong sa ilalim ng konstitusyon, ang wikang Filipino ay kailangang nakasalig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Pero, sa ngayon, ang gramatika ng wikang pambansa ay yaong sa Tagalog. Tingnan lamang ang mga panlapi ( -um-, -in, -an, at i-) at ang mga gramatikal na pananda (i.e. ang, ng, sa) at mga partikulo (i.e. pa, na, kung, daw, kasi). Hindi ba magkapareho lang sa mga panlapi at gramatikal na pananda at partikulo ng tinatawag na “Filipino”? Walang panlapi o gramatikal na elementong galing sa Ilokano, Sebwano, Ilonggo at sa ibang malalaking wika ang may matatag na katayuan sa wikang pambansa.

May ilang teorista sa akademya na nagpapalaganap ng ideya na ang kaibahan ng “Filipino” sa Tagalog ay ang pagiging “malaya” ng una, at ang pagkapurista ng huli. Ang ibinibigay nilang halimbawa ay ang pagkakaiba ng leksikon ng “Filipino” at ng “Tagalog”, gaya raw ng “fakulti”, sa halip na “guro”, “kolehiyo” sa halip na “dalubhasaan”, “miting” sa halip na “pulong” atbp. Kinikilala ng KWF na ang “purismo” at “Tagalismo” ay mga hadlang sa pagpapaunlad ng wikang pambansa. Subalit, kailangan ding alalahanin na hindi panghihiram ng dayuhang leksikon o leksikon buhat sa iba pang wika ng Pilipinas ang batayan sa pagklasipika ng dalawa o mahigit pang barayti na magkakaibang wika. (Maging ang mga Tagalog sa Batangas at Bulakan ay nanghihiram din at nagko- code-switch.) Gaya ng nabanggit sa itaas, ang pagkakaunawaan at ang gramatika ay higit na mapagpasyang batayan. Idagdag pa rito ang katotohanan na karamihan ng mga Pilipino ay tumatawag pa rin sa wikang pambansa na “Tagalog”. at madaling maintindihan kung bakit kakaunti lamang, maliban sa kakarampot sa akademya, ang naniniwala na ang “Tagalog” at ang “Filipino” ay “magkaibang wika.”

Pero may isang malaki at hindi matatawarang pagkakaiba ang wikang Tagalog noon at ang wikang pambansa ngayon. Ang kasalukuyang wikang pambansa ay ang pangalawang wika ng nakararaming Pilipino. Mas marami nang Pilipino ngayon na marunong mag-Tagalog pero hindi ito ang kanilang kinagisnan o unang wika. Ito ang pangalawang wika nila. Ito ang isa sa tampok na dahilan sa pagtawag dito ng ibang pangalan—Filipino. Ito rin ang panlipunang batayan sa paglitaw ng mga pasalitang barayti ng “Filipino”; mga barayti na hindi lamang limitado sa Katagalugan at Kamaynilaan, kundi sumasaklaw sa Davao, Iloilo, Cebu, Baguio, Angeles, Cagayan de Oro, Zamboanga City at sa ibang punong sentrong lungsod kung saan nagtatagpo ang magkakaibang grupong etniko. Sa ngayon, ang barayting pinakaprestihiyoso ay ang barayti sa Metro Manila at kanugnog na mga lugar, na siyang itinuturo ngayon sa mga paaralan at pinalagaganap ng masmidya. .

Ang ganitong mga katotohanan, sa aking palagay, ay hindi nalingid sa mga gumawa ng mga probisyong pangwika sa ating konstitusyon. Nanalig sila na habang nalilinang, ang wikang pambansa ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika. Idineklara din nila ang wikang Filipino at ang wikang Ingles bilang wikang opisyal, pero hindi nila kinaligtaan na ipahayag din na ang mga wikang pangrehiyon ay pantulong na wikang opisyal at midyum ng pagtuturo. Higit sa lahat, tiniyak nila ang pagtatayo ng isang komisyon na “magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod” ng mga pananaliksik hindi lamang sa wikang pambansa, kundi sa iba pang mga wika ng mga Pilipino. Ang ganitong mga probisyong pangkonstitusyon ay nagkaroon ng katuparan sa pagkakapagtibay ng RA 7104 na siyang lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Ang lohika ng patakarang multilinggwal sa pagpapaunlad ng mga wika sa Pilipinas ay unti-unting tinatanggap ngayon ng mas maraming mananaliksik sa wika at/o tagagawa ng patakaran sa ating pamahalaan. Nitong kamakailan, may isang grupo ng mga mananaliksik ang naglabas ng KRT 3 Formulation of the National Learning Strategies for the Filipino and English Languages na nagmumungkahi sa pamahalaan na:

· para sa ECCD (3-5ng taon), ang paggamit ng wika ng bata sa day care center. Gagamitin ang Filipino at English (at Arabic) sa mga istorya at panitikan;
· para sa Grade 1 hanggang 3, ang paggamit ng wika ng bata bilang midyum ng pagkakatuto para sa lahat ng subject. Gagamitin ang Filipino at English (at Arabic) bilang magkahiwalay na subject para sa oral language development;
· para sa Grade 4 pataas, Filipino bilang midyum ng pagtuturo para sa Makabayan at subject na Filipino at/o panitikan at English bilang midyum sa Math at Science. Gagamitin ang wika ng bata bilang pantulong na wika;
· samantala, sa sekundarya, magtuturo ng mga language elective sa wika ng bata, wikang pangrehiyon, Arabic at anumang wika sa ibayong dagat;

Ayon sa nasabing dokumento: “(c)ontrary to being a hindrance, the languages of children must be considered as enabling factors on which student learning and achievement can be based. The use of the mother tongue in learning has been found to be the most effective way to bridge learning in all subject areas including the development of future languages. This is a generalization based on numerous experiences of other multilingual countries as well as empirical studies conducted in the Philippines.”

Ang isang halimbawa ng empirikal na pag-aaral na nagbibigay-balidasyon sa bisa ng multilinggwal na patakaran ay ang resulta ng 2006 NAT Grade 3 reading test sa dibisyon ng Kalinga. Sa sampung distritong ito, tanging ang Lubuagan lamang ang may first language component, ibig sabihin, ang unang wika ay siyang ginamit na midyum ng pagtuturo sa naturang eskuwelahan, kahit sa science at math. Ang natitirang siyam na dibisyon ay sumailalim sa regular na edukasyong bilinggwal. Ipinakikita ng reading test na ang distrito ng Lubuagan ang nakapagtala ng pinakamataas na marka sa English (76.5%) at Filipino (76.44%). Ang pumangalawa na distrito ay ang Tinglayan na nakaiskor ng 64.5% sa English at 61.4% sa Filipino. Ang pumangatlo naman ay ang Pasil, na nakaiskor ng 51.9% sa English at 47.7% sa Filipino.

Ang ganitong mga ebidensya ay nagpapatotoo na maaaring gawing tulay ang lokal na wika upang matutuhan ang English at Filipino. Ang totoo’y maraming mga pag-aaral ang nagpapakita na ang paggamit ng wikang hindi-sa- bata ay hindi makatutulong manapa’y makasasama pa nga sa pang-akademikong performance ng bata. Mahalagang banggitin muli ang mga napatunayan sa pananaliksik ni Taufeulangaki (2004):

· ang mga bata ay nangangailangan ng pinakamababa na 12ng taon upang matutuhan ang kanilang unang wika;
· ang mga bata ay hindi natututo ng pangalawang wika nang mas mabilis kaysa mga matanda;
· ang may edad na bata ay may higit na kasanayan sa pagkatuto ng pangalawang wika;
· mas importante ang pag-unlad pangkognitibo ng bata kaysa paghantad sa ikalawang wika;

Sa isang hiwalay na artikulo, nabanggit ko na ang eksklusibong paggamit ng Ingles at Filipino ay nagresulta sa tinatawag ni Smolicz, Nical and Secombe (2000) na inferiorization ng iba pang wika sa Pilipinas. Ninanakaw ng kasalukuyang patakarang bilinggwal ang wika ng bata at hinahalinhan ito ng isang wikang di-pamilyar at tiwalag sa kanilang kultura at karanasan. Ang mensahe ng bilinggwal na edukasyon sa marami nating mag-aaral ay walang kuwenta ang kanilang kinagisnang wika. Sa halip na tingnan bilang resource at pundasyon ng panimulang kaalaman, itinuturing ang pagkakatuto ng wikang sarili na isang malaking kakulangan o deficiency, o dikaya’y kapansanan. Sa halip na pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling kultura’t wika, pagkutya at pagmamaliit sa sarili ang itinuturo ng kasalukuyang patakaran. Ang solusyon, sa ganang akin, ay hindi ang pagpapalit ng Filipino sa Ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo, kundi ang tamang pagtitimpla sa gamit ng lokal na wika, wikang pambansa at wika ng mas malawak na komunikasyon sa sistemang pang-edukasyon.

Sinusuportahan ng KWF ang anumang kampanya na papaghusayin ang kasanayan sa Ingles ng ating mga estudyante. Pero kailangang linawin na ang pinakamabisang paraan ay ang pagturo dito bilang pangalawang wika. Ito ang isa sa mga layunin ng Executive Order No. 210 na ang pamagat ay nagtatadhana sa pagpapalakas ng Ingles bilang pangalawang wika. Ang interpretasyon ko sa pagtuturo ng Ingles bilang “pangalawang wika” ay magsimula sa kinagisnang wika sa unang mga grado. Sa proseso ng pagbulas ng kasanayang pangliterasi at pangkognitibo ng estudyante sa kinagisnang wika at kultura, ipakilala ang Ingles at ang Filipino bilang mga subject. Sa paglaon ay maaari na ring ituro ang iba pang subject sa Filipino at Ingles.

Gayunpaman, ang katatasan sa Ingles ay hindi makakamtan lamang sa eskuwelahan. Sa loob at labas ng eskuwelahan, kailangang magkaroon ang mga estudyante ng mga modelo o huwaran sa pagsusulat at pagsasalita ng mabuting Ingles, at kasabay nito ng mga pagkakataon para magamit ang kanilang kasanayan sa Ingles. Sa kasalukuyan ay walang sapat na motibasyon at oportunidad maliban sa eskuwelahan upang mapaunlad ng mga estudyante ang kanilang kasanayan sa Ingles, laluna sa pagsasalita nito.

Ang komitment ng KWF sa “isang bansa, maraming wika” ay makikita sa tema at saklaw ng nakaraang patimpalak na idinaos noong Buwan ng Wika 2006. Sa simula’t sapul ay nakasanayan na namin na magdaos nang taunan ng isang patimpalak lamang, ang tradisyunal na Gantimpalang Collantes sa sanaysay sa wikang Filipino. Noong 2006, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagdaos ang KWF ng magkakahiwalay na mga timpalak sa pormal na pagsulat sa Sebwano (tula at maikling kuwento), Iloko (tula at maikling kuwento), Hiligaynon (maikling kuwento) at Pangasinan (tula). Ang nagwaging mga akda ay nakatipon ngayon sa isang akda na pinamagatang Ani ng Wika 2006. Ang tema ng buwan ng wika 2006 ay: “Ang buwan ng wikang pambansa ay buwan ng mga wika ng Pilipinas.”

Ngayong taong 2007, pinalawak namin ang saklaw ng patimpalak para makasama ang Bikol (maikling kuwento at sanaysay), Samar-Leyte (tula at maikling kuwento), Kapampangan (tula), Meranaw (sanaysay), Maguindanao (sanaysay) at Tausug (sanaysay). Ang tema ng buwan ng wika 2007 ay: “Maraming wika, matatag na bansa.”

Ang multilinggwal na adhikain ng KWF ay hindi lamang naipapahayag sa taunang pagdiriwang ng buwan ng wika at pagkilala sa mahusay na mga akdang pampanitikan, kundi sa mga pangmatagalang programa at proyektong inako nitong isakatuparan.

Ang mga programa’t proyektong ito ay naglalayon na makamit ang sumusunod na pagbabago sa ating kapaligiran: ang pagpabor ng opinyong publiko sa multilinggwalismo. Hanggang ngayon, marami pa rin ang naniniwala na hindi na kailangang pag-aralan ang wikang pambansa o ang ating mga lokal na wika sapagkat “alam na natin ito.” Laganap pa rin ang maling pag-iisip na ang pagkakaroon ng isang wika ay mapagpasya sa pagbubuo ng isang bansa.

Upang pumabor ang opinyong publiko sa multilinggwalismo, plano naming magbigay ng napapanahong mga impormasyon sa OP, DEPED, CHED, ang Kongreso at iba pang ahensya ng gobyerno tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa wika. Makatwiran lamang na ang unang benepisyaryo ng aming mga pananaliksik ay ang pamahalaan na rin.

Gusto rin naming lumikha ng bagong mga kaalamang pangwika at pampanitikan. Nais naming palakasin ang: Philippine Lexicography program, Philippine Grammars Program, ang National Translation Program, ang Phonology, Phonetics and Ortography Program, mga proyekto sa literasiya at pagtuturo ng wika; Philippine Language Mapping Project; Bibliography of Philippine Languages project; Endangered Languages Program; Philippine corpus;

Gusto rin naming palaganapin sa publiko at stakeholder ang impormasyon at kaalamang pangwika at pampanitikan. KayĆ” namin itinatayo ang: Library and Archives of Philippine Languages; pinapataas ang kantidad at kalidad ng mga publikasyon; nagdadaos ng mga seminar, workshop, lektyur, at iba pang aktibidad na pang-edukasyon; pinapaganda ang aming website; nagkakaloob ng mga research grants o tinutulungan ang mga stakeholder na makakuha ng mga research grants; nagtatayo ng mga language councils sa mga rehiyon; pinalalakas ang mga kakayahang pang-IT at pampananaliksik, at sinisikap na magkaroon ng sarili naming tahanan at gusali.

Sa pagwawakas, nais kong ibilin sa inyo ang sinabi ng isang katutubong Amerikano, isang American Indian, tungkol sa relasyon ng wika at ng buhay. Aniya, kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon. Pero kailangan natin ang wikang sarili, para mabuhay nang habampanahon.

Magandang umaga sa inyong lahat.

2007 Nakem Dispatch from MMSU

(Note: This is a news feature from the MMSU's website. We are reproducing here for the information of the public and in anticipation of other dispatches and feature articles on Nakem 2007. Some of these articles have been published in Hawai`i papers. We are now also beginning to assemble the conference papers and will soon be ready for uploading at the Nakem website maintained by Dr. Raymund Liongson of Leeward CC-University of Hawai`i).

THE 2007 Nakem International Conference drew to a close May 25 at the Teatro Ilocandia with the passing of separate resolutions requesting both Houses of Congress and the Komisyon sa Wikang Filipino to support the Nakem Conference initiative to declare Ilokano and other minor Philippine languages as national and official languages.

In a one-page resolution, the 182 participants and delegates of the said international gathering declared their recognition of the importance of the lingua franca and other indigenous languages in the production of critical knowledge about themselves, communities, social relations, and the country and of the role of Ilokano and other Amianan languages in the production of such knowledge.

They, likewise, declared their recognition of the spirit of the 1987 Constitution which provides that the Filipino language is a product of all existing languages of this country, thus the indispensable role of Ilokano and other Amianan and Philippine languages is to materialize this provision of the said constitution.

Conference participants also passed a resolution establishing Nakem Conferences Philippines, Incorporated in their recognition of the importance of a concerted and national effort to produce critical and productive knowledge about the Ilocos, the Amianan, and the Philippines. Fifteen members were elected as members of the board of directors, namely: Andres T. Malinnag Jr.–UNP; Bonifacio V. Ramos – Saint Mary’s University; Anabelle C. Felipe – MMSU; Mary Rose Rabang – UNP; Alicia T. Pingol – Ateneo de Manila University; Noemi U. Rosal – UP; Norma B. Fernando – DepEd; Carmen P. Centeno – DepEd; Zacarias A. Baluscang – Apayao State College; Josephine R. Domingo – MMSU; Edil H. Duran – DepEd; Alegria T. Visaya – MMSU; Nancy B. Balantac – MMSU; Jaime G. Raras – UNP; and Elena Toquero – ISU. The members of the board of directors were nominated by the participants themselves who came from different higher education institutions, from the Department of Education, and other agencies and institutions from Regions I, II, III, CAR, and NCR.
Another resolution was passed where the participants committed to bind themselves for the formulation of various consortium programs to pursue the aims of the Nakem Conferences.

Lastly, the participants passed yet another resolution commending MMSU for hosting this year’s conference stating that with the generous act and visionary spirit of the university, they had the opportunity to come together and come up with a concerted effort to organize the Nakem Conference Philippines.

In the same closing ceremonies, Juan S.P. Hidalgo shared – in Ilokano – his stories and struggles to continuously promote, preserve, and produce works of merit that reflect the realities and dreams of the peoples of Amianan. Hidalgo is a painter, a master poet, essayist, critic, novelist, short story writer, and translator. For a time, he played bit roles in Philippine films and served as associate editor of Bannawag.
Welcome program and dinner.

Earlier on May 22 at the Fort Ilocandia Resort Hotel where a welcome program and dinner sponsored by the Provincial Government of Ilocos Norte was held, Dr. Aurelio S. Agcaoili, University of Hawai’i-Ilokano and Philippine Drama and Film Program (UH-IPDFP) coordinator and Nakem conference co-convener, spoke on how the conference started with the idea of a gift or “daton”. He related the time when he and Prof. Precy L. Espiritu, former IPDFP coordinator and 2006 Nakem Conference steering committee chair, were brainstorming on what they could do to bring together scholars, academic leaders, policy makers, creative writers, researchers, and language and culture educators.

“For there is no better way of conceptualizing what we can offer to our people except to look at this offering as an oblation for the past, a sacred remembering of the present, and a sanctification of the future that we ought to know,” he said.

He added that the idea of “exporting” the Nakem conference to the place “where it is supposed to” could not have happened without the enthusiasm and welcoming spirit of MMSU President Miriam E. Pascua which they capitalized on to strategize the holding of the said gathering in the Philippines. He also mentioned Dr. Alegria T. Visaya, MMSU professor and conference co-convener, as a “workhorse” whom he “burned wires with many times to check on the developments of the conference preparation”. He further thanked Dr. Lilia Q. Santiago, University of the Philippines Diliman professor and conference co-convener, for her belief in the people of Amianan; and Dr. Ricardo Ma. Duran Nolasco, Komisyon sa Wikang Filipino chairman and University of the Philippines Diliman professor of linguistics, for his “openness of heart and soul and for his belief in the sacredness of diversity, multiculturalism, and multilingualism.

Agcaoili stressed that the story of Nakem is “a lesson in humility and in boldness”. He said that his group could not have pulled through with the conference without the sacred sacrifices of the many personnel of MMSU and UH. He said that Nakem is an idea “whose time has come” and that as “people imbued with the mission, vision, and goal of Nakem, our moral duty now is to become a signatory to the rectification of all forms of social, cultural, and linguistic injustices that have been inflicted upon us. He stressed that Nakem is here “to correct the mistakes, to help us reclaim who we are, to remind us that our language and our culture, and our stories are all we have got and we must, at least, make good with them”.

Opening program and keynote speech

Dr. Ricardo Ma. Duran Nolasco keynoted the formal conference opening on May 23, 8 a.m., at MMSU’s Teatro Ilocandia. He imparted the vision, directions, and programs of the Komisyon sa Wikang Filipino in the next three years hoping that the Nakem organization would embrace these as also their own.

He said that recently, the commission decided to modify its vision to make KIW a “sentro ng kapantasan sa mga wika at literatura ng mga Pilipino”. He said that this vision is in line with the commission’s mandate to develop, spread, and maintain the languages used in different areas by Filipinos.

“Ang ganitong bisyon at misyon ay pag-amin na bagamat ang KWF ay siyang opisyal na ahensyang pangwika ay malayo pa rin ito sa pagiging tunay na sentro ng kapantasan at kaalaman sa mga wika at panitikan ng mga Pilipino. Ang itinatayo namin ay isang sentro ng impormasyon, dokumentasyon at pananaliksik na may kuwerpo ng mga mananaliksik na may mataas na kakayahan sa linggwistika at applied na linggwistika at pagsasaling pangwika; isang sentro na katatagpuan at naglalaman ng lahat ng mga pag-aaral at akda tungkol sa mga wika ng Pilipinas; isang sentro na may kamalig ng mga datos sa iba’t ibang wika, at sa ibat ibang genre, kasama na ang audio at video recording ng mga pangyayaring komunikatibong may mga anotasyon at komentaryo; isang sentro na lumilikha ng mga orihinal at huwarang mga diksyunaryo, gramatika, ortograpiya, iskolarli na mga babasahin, materyales sa literasiya at reperensya sa pagtuturo sa magkakaibang disiplina; at isang sentro na dalubhasa rin sa teknolohiyang pang-impormasyon at pangkomunikasyon upang magampanan ang gawain ng pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili ng mga wika sa Pilipinas,” he explained.

The rationale behind this vision, Nolasco said, stems from the organization’s recognition of the importance of the languages used by Filipinos – such as the national language, the local dialects, and the foreign languages – “para sa magkakaibang mga layunin: para sa literasiya at edukasyon ng ating mamamayan; para sa layuning pangkultura at intelektuwal; para sa pagkakakilanlan at etnisidad; para sa pakikipagtalastasan sa loob at labas ng bansa; para sa pag-unlad na pang-ekonomiya; at para sa kaisahan at katatagang pampulitika.”
Gone are the days, he said, when the commission was exclusively concentrated on the national language; when the commission neglected the more than 170 languages in the country; when the commission did not consider yet another official language of the country which is “English” or “Philippine English”.

“Ito ang landas o linya ng ‘isang bansa, maraming wika’, na siyang simulain ng kasalukuyang tema ng Buwan ng Wika 2007, na ‘maraming wika, matatag na bansa’. Ang batayan at katwiran ng temang ito ay may kinalaman sa pagiging multilinggwal at pagiging multikultural ng mga Pilipino. Sa halip na isang disbentahe, itinuturing ng komisyon na napakalaking bentahe ang pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit na 170ng wika. Pangsampu tayo sa pinakamaraming wika sa buong daigdig, sa kabila ng palasak at mapangmenos na palagay na ang mga wikang ito’y pawang mga dialekto lamang,” he explained.

Nolasco mentioned some constitutional provisions “na nagpapahayag din na ang mga wikang pangrehiyon ay pantulong na wikang opisyal at midyum ng pagtuturo”.

Recently, a group of researchers, Nolasco said, came out with a KRT 3 Formulation of the National Learning Strategies for the Filipino and English Languages. According to them, “contrary to being a hindrance, the languages of children must be considered as enabling factors on which student learning and achievement can be based. The use of the mother tongue in learning has been found to be the most effective way to bridge learning in all subject areas including the development of future languages. This is a generalization based on numerous experiences of other multilingual countries as well as empirical studies conducted in the Philippines.”

In closing, he said: “Nais kong iwan sa inyo ang kaisipan na galing sa isang katutubong Amerikano. Ang sabi po niya ay: kailangan natin ng wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon. Pero kailangan natin ang wikang sarili para mabuhay ng habang panahon.”

Conference participants

One-hundred eighty-two academicians, researchers, and Ilokano scholars gathered at MMSU for the four-day international conference which started May 22. Forty-two papers discussing issues on migration, exile, and return; Ilocano settling and material and non-material cultures; and culture change, translations, and transformations were presented by participants from state higher education institutions and other agencies from the Philippines, Hawaii, the United States Mainland, and Canada.

The conference, which ran with the theme: “Panagpanaw ken Panagindeg – Exile and Settling in Ilokano and Amianan History and Culture”, was made possible with the collaborative efforts of MMSU and the UHM-IPDFP.

The 2008 Nakem International Conference will be held in its original venue in Hawai’i and will go with the theme, “Panagkakannayon: Linguistic and Cultural Diversity and the Imagined Philippine Nation in Amianan and in Exile”.