Isang Gabi ng Pitong Dahon ng Money Tree

Alas siyete
ng gabi
ang pagtatagpo
ng mga isip
natin,
tayong mga naglalalang
ng mabining tinig
na para din
sa atin.

Sa ating mga halakhal
iluluwal natin
ang panaginip:
isang halamang lunti,
pito ang dahon
tulad ng mga money tree
sa mga hardin
ng mga Hapon sa Gardena
ng mga Pinoy sa Stockton
ng mga Koreano sa Los Angeles
ng mga Viet sa Garden Grove.

Ipinaglihi
sa mga agam-agam
sa putikan ng mga diwa
sa kawalan ng kasiguruhan
ng mga salita
ang ating kagampan
ng ating di namang
suwail na nais
kundi maamong
kakambal ng ating
ngiti at pananagumpay
sa dilim.

Ngayong gabi
lilitratuhan
ng kalihim
ng ating mga layon
ang halamang
may pitong dahol,
kapanalig natin
sa pagharap
sa mga daluyong
sa ating mga mesa
sa ating mga bulsa
sa ating pakikitungo
sa isa't isa
tayong mga naglalalang
ng iba
tayong naglalalang
ng halakhal
sa hulihan
ng paglaya.

A S Agcaoili
Hunyo 2005
Sa miting ng Kapulungan ng ICRI USA
Carson, CA

No comments: