Panagbeddal ti Dila

Kas man mataltalian dagiti dila.

Agbeddalda iti pannakiinnala

dagiti agragragut nga allon

kadagiti napusaksak a lei iti daytoy

a kanito dagiti agrayo a kebbakebba.

Berde nga orkidia nga inubon-ubon

dagiti agkammayet nga ayat ken ragsak

dagiti panagdirdir-i dagiti mapnek nga idda

dagiti labutab ti baybay iti Waikiki

ti isagut ti agregget nga allon

iti narakab a patong ti kadaratan

iti gumawgawawa a barukong

ita a malem ti agur-uray a mutia.

Ayna, piman, ta agbeddalda

a kas kaniak,

agbeddal dagiti dila ket isemanda

dagiti darangidangen a darikmat

kas sungbat iti saludsod ti taaw

iti nobia a maikallaysa iti aplaya

a kapilia dagiti agalimpatok

a singinan itan a katkatawa.

Itag-ay ti nobio ti kasimpungalan

dagiti makikkiki a sardam

iti kadaratan idinto ta

litak a litak ti panagmaniobra

dagiti agapal-apal a gilap ti kodak.

Sakroyen ti umadanin

a sipnget ken lawag

ti essem dagiti agbaed a saksi

a kas kaniak.

Manglaglagip, makalagip, silalagip

dagiti di mairidep nga agpatnag.

Waikiki, Hon, HI

En. 27, 2005

A Night of Canvassing the Cash Of The Queen

This rite and ritual goes on and on.

This is how they pass the time

and boredom here

in this land of the foreigners

and the familiar.

They count the cash

of the queen for her queenly deed

of buying indulgences from churches

reeking with the cheap tactics

for seeking forgiveness.

They are the means and methods,

these tactics, mean and deceitful,

and as old as the mossy walls

of the convents of sinning clerics

their lay apostles

their accomplices

in shining armor,

they who come to pray

in evenings, adore the lord of life

in barren chapels and empty pulpits

in times of war and want

in times of loss and love,

conflicted and callused,

the very core of this celebration

tonight and in the nights

that will come after,

the night the queen will claim

her crown, her majesty

in her fairest

her princesses hovering

like rare butterflies

like muses unable to beget

children and charity

care and concern

except to say

this queenly cause

is in the name of the heavenly

monarchy, with the father

and his kingdom come

and then we parrot the line

about the mansions awaiting us

about the pageantry in gold

and glitter and grand.

Aurelio S. Agcaoili

Pearl City, HI

Jan 28/05

The Novice Master Is Dead

(For Pietro Ferri, OSC, in grateful remembrance)

The report of your passing came

in from New York or Phoenix

through a text message, cold and clear,

its meaning clinical and certain.

And then this email tonight

that flashed on the screen

with the urgency of quiet grief.

But then it came as well

in a dream of beauty and blessing,

in a dream of truth

and the terror of tears.

And that living memory of kindness.

The late seventies

come rushing to me now

at this later hour in a foreign land

as I try to imagine

the twin votive candles

holding vigil at the altar without

the trappings of remorse and regret

but with redemption

in hard stone for the miserable mind

that we are at this time.

How could you leave the missions,

the slums, the novitiate house,

the home where your heart is?

How could you leave the place

and people you came for

to witness to the constancy

of the sun rising in earnest

rising as we rose to recite

our lauds

our matins

despite the many nights

the dictator came

his flamboyant wife came

the war generals came

the martial law minister came

the lieutenants of death came

to rob us of our future and fate?

How could you ever leave

the other missioner

shepherding you in the dark

as in the light,

in pain and in hurt,

in sorrow and in joy?

How, but how could you have come

in our midst, we who knew little

about the faith that delivers,

the faith that promises patriotism

and self-respect

even as you taught us

how to decline

love of the creator and neighbor,

ablative and genetive, the cases,

in the fluid Italian of the confreres,

the sing-song of the words

the same O sole mio of the soldier

who was saved,

hailed in holiness eventually,

called to heaven like you

to pray for the graces we all received

so many we stopped counting them

from the 80s onwards

when your retired in silence

in your corner, the smile on your face

still sad and shy as before

but contentment oozing

in those serene eyes

that knew so much but said less

or nothing at all

like the monks

in their caves, away from it all,

away from this quandary mortal life

gives us in illusion as in reality

that we all need to invent and reinvent,

each day, each hour, each moment

that we submit ourselves to all the forces

that claim us, the forces that have franchise

of the fates of moonlights

in the manicured garden and ground

we made sure it was verdant

even as the bells rang for angelus

or vespers

or compline

that arrested our hours

with words and worlds

coalescing with

our troubled walled lives?

I saw you through in anger

as in anguish, in despair as in devotion,

in the step-by-step appointment

with the sacred and the sorrowful

in the untouched universe

you made and imagined

in the novitiate

for our struggling souls

as we prepared to pronounce

our vows to be perfect

in the imperfections

of our thoughts,

tamed and tortured

by seminary loves.

That universe steeped us

in the loneliness of the elect

in the solitude of the few

in the calm of evenings

in the muteness of mornings

that greeted us in warm

as well as in the cold days.

Your spiritual exercises taught us

to believe more and more

to be resigned more and more

to submit more and more.

And they were most difficult,

these exercises that showed

us the way

to our inner selves

to our hidden voices

to our sacred secret sites

where there we met up

with the maker of all life

with the energy of all that is

with the reason of all that matters.

Ah, but our days were wild fantasies,

four young habited religious

with the spirit of fire and brimstone

with the passion and the raw emotions

of mercenaries of redemption and relief

from all that made us mortal and malevolent

from all that made us saints and sinners.

Your death is a form

of cheating, I say.

For we are all here,

far and near, and yet we are here,

in the now of the remembrance

that resists

the despair that grips us so,

with your leaving

without ever asking us

to bid you goodbye

to bless your going away

to execute that snap salute

for your reporting for your duty

to the one that sent you to us

to the one that made it possible for us

to get into your salving life story.

But then again, we say:

Go, go now, father stranger.

Go, go now, and prepare

the banquet of bounty

for us all.

In the love of the one that sent

you to live with us for long years

you will have your fill even

as we pray you will.

Aurelio S. Agcaoili

Waipahu, HI, Jan. 26, 2005

Pagpapaalam kay Manong Celin

Sa himlayang iyon ang tagpuan nating lahat,

ikaw at ang mga nagdadalamhating kamag-anak

at mga araw ng mga pahimakas ng paglisan.

Lugar ito ng paalaman sa mga naglalakbay

sa kabilang ng buhay na angkin namin ngayon

na minsan ay iyung-iyo rin ng buong-buo,

ikaw na mortal na kapanalig ng lahat na nais.

Sabi ng Ilokanong taga-anunsiyo

sa kanyang palabas sa radyo

ay ito ang araw ng aming pagdalaw sa iyo

ay ito ang dapit-hapon

ng iyong pagpaalam sa amin.

Sa taga-anunsiyo ka rin

nakikibalita sa lahat ng mga nagaganap

sa bayang iniwan

sa mga kakilalang naglaho

sa mga pangarap na nangawala.

Bago pumasok sa trabaho

ay inaalam isa-isa kung sino ang pumanaw

tulad ng pag-alam kung anong oras


sa araw-araw.

Sa radyo mo rin nasagap

ang patalastas

tungkol sa aking pagdating.

Sa St. Andrews mo inabangan

ang aking pagbati pagkatapos

ng tatlumpong dekadang

paghihiwalay ng ating mga landas,

ikaw sa pakikialam sa bayan,

ako sa paghuhubog

ng mga kabataan.

Inabangan mo ang aking pagbigkas

ng tula sa at ipinagmalaki

ang ating dugong pula,

magpinsan sa pagbibigay-buhay

sa ating nandarayuhang

katawan at isip at panaginip.

Bukas ang simula ng huling yugto

ng iyong pagbabalik sa iyong

pinagmulan, doon sa huling hantungan

ng pagkakakilanlan at kalayaang ganap,

doon sa kabila ng mga bundok

doon sa kabila ng mga dagat

doon sa kabila ng mga tubig

na payapang nagmamasid

sa mga nagaganap ngayon

sa ating walang hanggang paalaman.

Hindi ko alam kung ikaw

ngayon ay nakatanod

sa amin.

Hindi ko alam kung tinitingnan

mo kami habang ikinakabesa namin

ang hiwaga at kapayapaan

ng iyong paghimlay.

Hindi ko alam kung inaalam

mo kung sino sa amin

ang nagtatangis tulad ng pagtatangis

ng iyong apo sa kanyang

pagbibigkas ng alaala sa iyo,

ang apong bunso

ng lahat na pagsuyong wala sa palad

kundi nasa nagmamahal na puso


kung inaalam mo

kung sino sa aming nakikipaglamay

sa mga taong iiwan mo sa amin

ang may luha tulad ng mga ti na sumasapo

sa kumpol ng mga bulaklak

sa iyong paanan.

Nakatanod ang mga puting orkidya

at duguang anturium

sa telong nagbabalita ng iyong paglisan.

Marahil ay binibilang ang mahabang pila

ng mga kababaryong nakipagsapalaran din

sa lansangang ito ng mga nandarayuhan

tulad mo at nating lahat.

Naalala ko ngayon ang pagpipila-pila

ng mga detenidong lakas at pangarap

noong panahon ng batas militar.

Naalala ko kung paano mo ikinintal

sa isip ng lahat ang pagmamahal sa bayan.

Alam mo ang palsong palabas sa ganoong

tunggalian ng mapaglaro at mapanlamang

na kapangyarihan at inisip mo

ang kapakanan ng mga mamamayan.

Kapitan de barangay ka

ng mga maraming

pagsubok sa atin.

Kinakapitan ng lahat

tulad ni Berto na di mawari

kung nasaan ang pusod

kung nasaan ang bumbunan

kung nasaan ang pagkatao.

At ginawang halimbawa

ang lugal na pinaglibingan

ng kadkadua,

sapot ng lahat ng alaala

sa pagiging kaanak ng marupok na lupa

sa atin at sa alin mang lugar mula sa lusod

tungo sa paratong at sa mga desdes

tungo sa mga burol at buhanginan.

Ngayon ay tatapusin natin ang kuwento

ng iyong buhay, Manong Celin.

Pauwi ka sa atin pagkatapos

ng mga panahon ng paggiliw

sa paulit-ulit na pagbabalik

sa ating mithiin:

maunlad na pamayanan

maunlad na isip

mayamang metapora

ng sanlibong daniw.

Na siyang gustung-gusto

mong mapakinggan mula sa akin,

ako na iyong inangking pinsan

ng iyong kambal na paggiliw.

Ngayon ay tutulaan kita,

iaalay ang bersong ito at marami pang

kasunod habang minumulto ako

ng iyong dalisay na puso,

ang di nagbibilang na pag-awit

ng himno ng ating naliligaw

na kuwento sa paglayo.

Ayna, Manong Celin, ayna,

kung maririnig mo

ang dung-aw ni Manang Poly.

Kung maisasalin mo sana

ang hikbi sa wika ng mga damdaming

namumulubi ng pagkandili sa mga iniwang

bukid sa atin at dito, mga bulaklak na binantayan

sa kanilang pamumukadkad sa iyong halamanan,

at sa halakhak sa mumunting handaan!

Hahayaan ka namin sa iyong pag-alis.

Pabaon namin ang maraming tula sa isip,

basbas sa iyong paglalayag

sa sinaunang pagbabalik.

Aurelio S. Agcaoili

Mililani, Hon, HI

Ene 16, 2005

Pagdiriwang sa Malayuan

Paulit-ulit nating gagawin ang seremonya

ng pakikinabang sa handaan ng mga pinakbet

at pinapaitan tuwing matatapos ang isang linggo

ng panghihiram ng lakas at kaligtasan

sa alaala sa nayon o bayang pinag-ugatan.

Tulad ngayon, pinagsamasama tayo

ng tinudok at kinilaw at ng pagbabalik sa gunita

ng paghihikahos at pakikibaka sa mga araw

na ang bigas ay nagkakait sa atin

na ang bukirin ay tuyot at tayong lahat

ay magpuprusisyon, magdarasal sa poon

ng mga tubig at ulan at masaganang ani,

magpapasaring na ang mga pilapil ay aayon

sa mga dikta ng malamyong hanging aaliw

sa nagbubungang pananim.

Namnamin natin ng mainam, banayad,

matagal, ang kabayaran ng ating paglayo

sa inang bayan, tayong mga distiyero

ng mga naisin at pangarap na kaiba

sa isang salop lamang na bigas

na para sa ngayon at di kilala ang bukas.

Magpipila-pila tayong lahot, sasandok

ng kabusugang wala noon sa atin,

wala noon sa nayon na minsan ay atin,

na minsan ay bilang ang pagdighay.

Sa isip ay isasagawa natin ang payapang

paghiga sa papag pakapanangghali

upang doon, sa kubo ng ating mumunting

panaginip, doon mahihinog

ang lumalayong isip.

Sa ibang bayan ang tirada ng lahat

ng utak natin, kaliwa man o kanan,

meron man o kulang-kulang.

Dangan ay ginhawa ang sinasabi

ng mga kahong tila nagbubuntis ng sabon

o losyon o karne norte kung dumating.

At ang dolyar ay panustos sa lahat na

nagsusumikap na makabasa ng Ingles

na lampas sa ating kayang gawin,

lampas sa What is your name? at

Where did you come from,

stranger of this land?

Taon na ang binilang natin

bago tayo nakaisip ng ganito.

Taon na walang humpay na pakikabaka

sa pagod at lamig, sa lungkot at paggiliw.

Taon na walang humpay na pagdarasal

na makatapos ang panganay

na makakarera ang pangalawa

na hahabol ang bunso sa mga kapatid

magpapakitang-gilas tulad ng mga umagang

nag-uudyok sa ating gawing gabi ang araw

gawing araw ang gabi

at araw-araw ay ginagawang gabi ang araw

at gabi-gabi ay ginagawang araw ang gabi.

Susubo tayo ng masaganang pagkain,

haharap sa piging ng ating damdaming

naghahangad bumalik sa atin

subalit pinipigil naman ng mga babayarin

ng mga utang na kailangang harapin

ng mga pangarap na nais pang marating

mga utang na marami sa atin

mga pangarap na wala na sa atin.

Aurelio S. Agcaoili

Kahili, HI

Jan. 22, 2005

Writing the Literature of Exile by Exiles

This writing of the literature of exile

by exiles begins tonight

in this coronation ball by the seaside,

the sand and surf the witnesses

of this opulence only rootlessness

can bring. I take pen and paper

and much grief to understand

the rhythm of this sad laughter

we contribute to make more dense

the festive air of provincial joy,

a memory of the Ilocos, the environs,

and all the thrones and islands

that dream of dollar and destitution

the green money to wipe out all

the traces of the wiping of sweat

in the noonday sun in the fields

the dream of destitution

to make us forget the look of porridge

on earthen pots, the menu a gruel

of much water on rice swollen like

murky waters in the season of storms

in the season of hunger

in the weeks of want

that come after a poor harvest.

It is a cruel covenant, this crowning

of the almost royal queens,

five of them, the color of their skin

that of the dark earth in the homeland.

The politico's speech comes condescending,

in clear staccato of a mind that calculates

gains and needs and motives and profits.

I watch from the corner table

with the one round of an applause

on bowls of mushroom soup

on the white and red linen

starched to make the proceedings

crisp or the morsels sliding

unnoticed by the promenading princess

past my aisle to take a quick look

of bejeweled crowns on the stage

of the cutouts in blazing gold and orange

announcing a hodge-podge of majesties

their highnesses and their royalties,

big and small, blue and not-so.

This is an empire, I tell myself.

Medieval and rotten and mossy.

Corrupt and criminal and colonial.

Triumphalist and terrorist of truth.

Or its stains, vestiges, relics.

Or a whole mind stunted like

a whole village gone idiotic, crazed.

To wear a scepter, or is it?

to help the poor and the dying

of the country that drove you away

to help the victims of victories

of the elect of the old country

in this cycle of quicksilver fame

and fortune for a moment

of dream and regret too soon

when the whole brouhaha of the banal

wears off the morning after.

I take everything, take them all,

jot them in the mind,

the details and denoument

the victors and the vanquished

in this royal masquerade

of masks and masked men,

masked women, masked children,

their games required to create

a palimpsest of patriotism

and self-hatred for wearing

the smile that has to be worn

the crown that has lost its luster

the vestment of glitter and bad blood

and putrid like the legendary palace

by the river where all this began in memory

where all this continues to corrupt us all

where all this makes us justify our rootlessness

where all this hides the homelessness

of our hearts. So tonite, I begin to write

about the literature of exile

by exiles. Redemption is farthest

in the poetry that parades how far

have we arrived from the land that awaits

the pageatry of princesses and their consorts

getting a cheap rite of passage.

Aurelio S. Agcaoili

Honolulu, HI

Jan. 16, 2005

Paghalik sa Kambal na Sugat ng Bunso

Sa dapit-hapong ito ng bagyo

sa lupaing kinapadparan ng aking isip,

hinalikan ko sa telepono ang kambal na sugat

sa tuhod ng aking bunso.

Habang nagngangalit ang panahon,

pinatahan ko

ang anak na di naipaghele,

di man lamang nakantahan

ng "Tong, tong, tong, pakitong-kitong."

Parang isang eksena sa pelikula

ang kaganapan

ngayon at madalas:

ang paulit-ulit na paghalik

sa sugat sa pagkakadapa

ng bunsong nag-aaral na mag-isang

tumutuklas sa hapdi ng mga nawawalang

oras sa aming pagitan,

nananabas ng mga pabuka pa lamang

na rosas sa munting halamanan,

nangungulimbat ng mga dahon ng herba maria

at ginagawang dinengdeng

sa mga mumunting lutuang putik.

O dili kaya ay pinapakuluan

ang mga tangkay,

ginagawang tsa,

sinasangkapan ng lupang

nakakapagbigay-kulay sa tubig

sa kanyang banga at sasambitin:

"Para ito kay tatay. Pantanggal ng

lahat ng kanyang pagkasabik at pangungulila.

Pang-alis sa lahat ng mga alalahanin

sa umagang darating."

Pero tatlong taon pa lang ang bunso

at ang mga kataga ay sa kanyang isip

na nag-iipon ng mainit na pagsuyo.

Siya ay si Kristala, nanliligtas sa mga sawim-palad.

Siya ay si Cinderella, ang prinsesang mayumi at marikit.

Siya ay si Kristalang Cinderella rin, iisang panaginip.

Pero walang karakter na mga anak

ng mga umalis. Walang mga bayani

sa mga hanay ng mga anak ng mga exilong nagtatangis.

Maliban sa soap opera.

Maliban sa pelikulang patok sa takilya

dahil naroon si Vilma Santos

dahil nawala ang puso ng panganay

dahil nawala ang utak ng pangalawa

dahil ibang ina ang nakilala ng bunso

dahil muling umalis ang ina

dahil kailangang umalis muli ang ina

sapagkat kailangang kumain ang mga anak

sapagkat kailangang mag-aral ang mga anak

sapagkat kailangang makipagsapalaran para sa mga anak

at kalimutan ang sarili

at kalimutan ang hirap

at muling magbangon, muli at muli.

Magpapakawala ako ng isang buntong-hininga.

Isa lamang.


Hinugot mula sa kaibuturan.

Hinugot mula sa mga pusod ng gabi

na nag-iisa akong nanunuod sa pagpatak

ng walang kasimbangis na ulan.

Maalala ko ang dinengdeng ni bunso.

Maalala ko ang kanyang tsa mula sa

dahong ng talinum o milflores.

Maalala ko ang matunog kong paghigop

ng mainit na sabaw ng kanyang sinigang

mula sa alikabok, uhog, halakhak, at pagsinghot.

Maalala ko ang paghalik ko

sa sugat na kambal, sugat sa kanyang tuhod

na patitibayin pa lamang ng maraming pagkatalisod.

At habang pinapanood ang paghampas

ng hangin sa mga sanga ng palmera

sa aking bintanang nakasara,

naaalala ko ang bunso sa kabila ng dagat

naaalala ko ang mga amang umalis

naaalala ko ang mga bunsong naghihintay sa pagbabalik

naaalala ko ang bayang nagpapaalis

sa mga magulang na napipilitang umaalis.

Aurelio S. Agcaoili

Torrance, CA

Enero 7, 2005

There is Method to this Morning Madness

There is method to this morning madness.

We wake to the rage of the lame limbs

of trees played up by the fierce winds,

the leaves dancing with whatever lonely light

there is in the rampaging rains

on sad streets in the crowded cities

on thinning trails in the sorrowing mountains

on the timorous tides of surging seas.

The riverside and coastal counties are filled

with light rain and light snow.

They remind us of the stories

we cannot make out in the savagery

of the stormy evening.

We see the possibilities of the day

from our closed window,

all of us exiles in this cold country

of dream and promise.

The window is shrouded in raindrops

and ice flakes and warm words

even as the mind comes misting

too with the knowledge

of what comes next in the morrow

in the undecidedness

on the blank page or

on that blank screen inviting us to shake off

that madness that comes in mornings like this.

We cannot see the snow peaked mountains

from where we sit to write

the poignancy of our search for pains

that will color our phrases

that will hint to us the poetry of peril

in abandoned anguish of saving words.

from these silences that come

with the creative rage of our regrets.

Or the way we say things.

Or the way things say something to us.

As in this wind, fierce and in fighting mood

we wished this were the force in our sentences.

The ranges in the east are dark as well,

that place where the sun

never learned to go to bed

but always came on time

in the past days.

There is no outline of the posh villages

carved out of the hills jutting out

all of a sudden from the sea we know

for certain its other shore is that of our birthland,

the one we left behind to write our poetry of exile.

The mind refuses to yield to the wild terrain

of a terse verse we have

long thought of, remembered, recited.

Or declaimed with drama,

emotions intact, raw and fresh.

We rise to greet the morning and the rain reminds

us of a weather that will create a swath in the forest

of stanzas we have long kept.

We rise to perform

the ritual of the morning: say our prayer with a bowl

of fresh water, light two tea candles, and take on

this heavy task of creating a new exilic poem.

Or poems of exile.

Or poems in exile.

Aurelio S. Agcaoili

Torrance, CA

Jan. 7, 2005

Santuario iti Ruar ti Katedral

(Ken Ariel Tabag kas panagyaman iti bukel ti daniw)

Impakadak kenka, reberendo,

ti panangusar kadagitoy a balikas:

daytoy balikas maipapan iti santuario

iti ruar ti alad dagiti antigo a ranggas

ken buteng

ken panaggangganas

nga agbuya iti di asiasi a kasasaad

dagiti mairurumen a ragragsak.

Iti ababa a pannao,

nasantuan daytoy a katedral:

lugar ti maug-ugasan

a pannakaibinsabinsa manen

dagiti dadaan a tulagan

dagiti mamati a kas kadatayo

dagiti agay-aayat a kas kadatayo.

Santuario iti ruar ti katedral, kunam.

Anian a bendision!

Santuario a a pagpaspasulian

dagiti pimpiman a pannakigasanggasat

kadagiti kasukat ken kari

dagiti riwriw a panagarapaap kadagiti kararag

dagiti riwriw a panagkararag kadagiti arapaap

dagiti riwriw a panaglitania kadagiti nakapudno

dagiti riwriw a kinapudno kadagiti litania

ayna, aminda, reberendo, amin dagitoy

a senial ti pangabaruaran

wenno pangabaruanan dagiti senial

kadagiti krus a mailansa iti kalman dagiti diskurso

wenno diskurso dagiti kalman

kadagiti kumbento dagiti padi a di manglanglangan

kadagiti karayo ti bagi

kadagiti bagi dagiti karayo

kadagiti darang dagiti agruprupsa a templo

kadagiti agruprupsa a templo dagiti darang

ta kadagiti miserere, reberendo,

ta kadagiti miserere nga ikanta nga yibittayo

ket ipasngayda dagiti naruay a kaasi

dagiti tawen,

dagiti panawen iti lukong ti dakulap

dagiti siglo iti muging a makaawat

kadagiti sao iti nakas-ang

a gasgasat.

Amin a katedral ken kastoy, reberendo.

Aminda. Ken naruayda ditoy man ayan itatta

wenno iti pagilian a pinanawan.

Agpapadada amin.

Naipundarda iti pammati kadagiti sabangan

wenno kadagiti kadaratan nga abalbalayen

ti salawasaw nga angin amian wenno

ti barrairong nga angin iti abagatan.

Makisalsala ti angin iti silaw, di ngamin?

daytay silaw a takawen dagiti rebulto

manipud kadagiti tawa, pagbuniagan,

pagitabunan kadagiti nasudi

a rikna, ay, wen, aminen!

Adda naatap a sala iti katedral a bato.

Adda naatap a kansion iti bato a katedral.

Adda bato a katedral iti katedral a bato.

Adu dagiti manglimlimo, reberendo.

Sabasabali ti naganda, paggaammon daytoy.

Agaliasda kas kadagiti abito

wenno kas kadagiti tinapay a nabangles

wenno kas kadagiti arak

a di makapabang-ar iti rikna

dagiti agbabawi a kinadakes.

Husto ti kunam, reberendo.

Makitak itan ti pudno kadagiti kayaw

ti pudno a sipnget

ti sipnget iti pudno a kayaw

ti pannakaisalakan kadagiti mangisalakan

ti pannakasubbot kadagiti mannubbot

iti santuario iti ruar ti katedral.

Aurelio S. Agcaoili

Torrance, CA

Enero 6, 2005

Exilo Numero Uno


Sa downtown ng Los Angeles

mo makikilala ang mukha ng bayang

kapalit ng iniwan. Nandito ang mga eksenang

iginuguhit ng paningin at pagmumuni-muning

huwag nawang sapitin ang ganitong

pananagad ng nananahang damdamin.

Sa lugar na ito isinisilang

ang paulit-ulit na pagkakasala.

Sa lugar na ito mo rin matatagpuan

ang walang wawang kapatawaran

sa lahat ng mga luhang inutang sa lansangan.

Pag-akyat mo sa subway,

sa bungad ng parke ng mga bagabundong

hinablutan na ng ngiti sa labi, masisilayan mo

ang mga kulay ng sinag ng kagigising na araw.

Tatama ang sinag

sa mga nagpapangkat-pangkat na tubig

at magsasayaw ang mga dahon ng Aspen,

kukumpas sa tugtog ng mga tindero

ng mga ibinabaratilyong katuparan

ng lahat na gustong maangkin

pagkatapos ng araw ng pasasalamat

pagkatapos ng pasko

pagkatapos ng bagong taon

pagkatapos ng lahat ng mga araw

na nahahapo ang mga kaha ng mga tindahan.

Nauubos ang lakas ng mga kapwa exilo

sa paghahanap ng pamalit

sa pagluluksa ng mga gabi at araw

ng pag-iisa. Kahit ano, kahit alin, makalimutan

lamang ang kahungkagan ng mga sansaglit.

Sa downtown mo matatagpuan

ang exilong numero uno.

Siya ang nandarayuhang

kababayang dala-dala ang bigat

ng pagliban sa seremonia ng pagsasaya

sa tahanan o

sa bayang tinalikdan.

Kahit sa malayuan, alam mo

ang ingay ng kanyang katahimikan.

Isinisigaw ang paghahanap ng kaligtasan

sa mga regalong kumakaway

sa mga iskaparate

ng mga eleganteng gintong pantutuli

ng mga pilak na kadena para sa aso o pusang de makina

ng mga imitasyon na pabango para sa paring laging

nagrorosaryo para sa pananagumpay

nagdarasal para sa kaligayahan

na di kasama ang mga mahal sa buhay.

Sa malamyong hagod ng pakikipagtawaran

sa money tree na sinasapo ng buddha

sa mapalad na baston ni san joseng

may mga pekeng perlas o puwit ng basong

kristal na di nagpapahuli

sa pagpapangako ng mamahaling pagmamahal,

makikilala mo ang kababayang

ibig nang umuwi pero wala nang tahanang uuwian.


Kayraming kababayang ganito

sa downtown. Sa mga panulukan

ng mga kalsadang nalulungkot,

makikita mo ang mga beterano

sa pangalawang digmaan,

sabit-sabit ang mga medalyon sa dibdib

tangan-tangan ang mga tupi-tuping sertipiko

ng taglamig na pakikipagsapalaran.

Andiyan yung pinalayas ng anak.

Andiyan yung ibig nang magpatiwakal.

Andiyan yung di na marunong bumigkas

ng salita ng bayan.

Sari-saring mga exilo numero uno

ang isinisilang ng downtown.

Sari-saring estorya ng kawalan.

Sari-saring kabayaran

sa pandarayuhan.

Aurelio S. Agcaoili

Los Angeles, CA

Dis. 5, 2005

Pasabi sa Panganay

Nagdugo ang utak ko, sabi mo sa sulat.

Panganay ka nga ng mga ligalig.

Sinabi mong tila di naintindihan

ni Ces Drilon ang ibig ipahiwatig

ng amang nalulungkot sa ibayong dagat,

siya na nagkakasya lamang sa paisa-isang

tawag o mensahe sa tex kung abutan

ng magdamag na pangangarap

sa bukas na darating

kasama ang mga supling at saya

kasama ang kabiyak at kahapon

na nangawala sanhi ng paglisan


Upang maghanap ng kinabukasan para sa

mga bata, sabi ng tatay, sabi mo,

panganay ng mga bersong aking

kakathain ngayon. Inantig mo rin

ang aking damdamin, sinaling

ang sugat sa aking dibdib.

Pinakatatago ko ito, walang nakakaalam

kundi ang mga talata ng aking madalas

na pagsulat sa inyong lahat

sa mga gabing di ako makatulog

sa mga araw na di ko nalalasahan ang kanin

sa mga umagang kelangan pilitin ang sariling

bumangon sapagkat kelangan mauna sa amo

sa pagdating, mauna sa pila

ng mga pang-umagang

mithiin na para rin sa atin.

Ay, itay, sabi mo.

Ngayon ko lang napagtanto kung papaano tayo

nagbabayad sa ganitong paglayo.


Ikaw na umalis.

Kami na naghihintay sa iyong pagbalik.

Kami na iniwan, ikaw na babalik na kung kelan

ay di alam. Hindi pa sa ngayon bagumbago ang taon.

Ngayon ay tatlong taon na ang anghel na iniwan.

Ngayon ay dalawang taon ka nang

di nakasaksi sa mga muhon ng ating pagkandili:

ang paghihip ni bunso ng kandila sa kanyang kaarawan, 2X

ang pagtatapos ng pangalawa, 1X

ang aming kaarawan, 2X

ang anibersaryo ng kasal, 2X

ang pasko, 2X

ang bagong taon, 2X

ang araw ng mga puso, 2X

ang piyesta ng Sto. Nino sa Tondo, 2X,

ang pagpapaligo sa mga tao sa piyesta ni San Juan, 2X

ang pagbabalik ng mga rali sa Mendiola, 7X7

ang welga ng bayan, 7X7

ang kaarawan ng inay, 2X.

& marami pang ekis.


Sasakit ang mga daliri sa pagbibilang,

sasama din ang loob. Mabuti nang

hayaang malibang sa pangako

ng ibang bayang pinuntahan at pupuntahan pa:

ang sapat na pagkain na wala sa atin

kung walang perang pantubos sa nakasanlang

ulam at sinaing.

Sa lahat ng ito, sabi mo, panganay,

sa lahat ng ito, walang alam ang bayan ko.

O di lang nais alamin

ang timbang ng mga luha sa isip natin.

Pero lalawak ang aming alam, sabi mo.

Lalalim ang aming sasabihin.

Umuurong ang aking dila, panganay.

Parang makata, may namumuong luha

sa aking mga mata. Sasabihin ko bang

napuwing ako sa iyong mga salita?

Aurelio S. Agcaoili

Torrance/Artesia/Palos Verdes

Dis. 4. 2005

California Stories Uncovered, 1

We weave the stories here,

on this note of guilt & grief.

We do not know, however,

if the uncovering can begin.

We remember Allos & his story

of red resistance, a million of them,

in the farms, with the immigrants

trying to search for some sense

that was not there in Bugallon,

in his father's parched fields

of rice & hunger & want.

Allos was Carlos Bulosan, alright,

he with his moral imperative

about locating America deep

in the heart, in our hearts.

The way he said it

in the novel or memoir or

in Nasa Puso Ang Amerika the play,

the way the tale comes in circles

of pain and anguish for leaving

the homeland is the same tale

that we have kept

that we keep.

We cover the tale

with gentle words,

gracious words.

We cannot afford to offend the host,

the country whose kindness

no one sees another way.

But then we remember Stockton,

the reminder on the door reminding

us some more:

Dogs and Filipinos

not allowed.

It could have been

a kind of forgetting, this remembering

of the days that are long gone.

The undertones are still here,

however, and we warn the next

one who dares to come:

coyotes hide smuggled immigrants

in cargo boxes & they arrive past the borders

as decaying corpses, their identities

lost in the sand, the desert, the wind.

The stories are not grim

when we hear the social sinning

going on in the new year in Manila & Makati,

this wanton celebration in the yuppie towns

& this yuppie money in wild abandon

& this yuppie way of coming on,

greeting the first daybreak

with glad tidings while tsunami victims

look for the substance of grace

in their search for the salvific

in temple ruins, in the debris of homes,

this wreckage of life in these useless deaths.

We call this a contradiction in terms,

these opposites marking our stories,

setting the scene where to begin,

setting the scene where to end.

As in these California stories uncovered

that could begin here in this city of angels,

mispronounced by the okies or the arkies

or those coming from the midwest or deep south

or the colored slaves or slaves who were colored

& this slavery goes on, changes suit & shape

as the need arises, function & form per the requisites

of oppressive circumstances the oppressor

calls love and charity, love and care, loving care

in the name of divinities that accept

dollars for offerings, the greener the better

they are, the more of them the better they are,

in sum as in their possibilities to go algebraic

in the accounting of net profits

from our sweat, candor, resilience

and that tenacity of the spirit

to hang on and live each day anew

everyday, live life one day at a time

because back home

the hunger continues,

the starving goes on

the homelessness sits well with those

who live in palaces by the river

or by the gated enclaves of the privileged few,

those who reside in villages that are dirt-free

& with no dung to step on

& with no muck to dirty their door

& with no dust to cling on to their desires.

Here in this California of our hearts,

stories of redemption and regret

come in all tones and timber.

There is hardly a tune at all

resembling the alleluia of Handel

piped in parks and malls

where joy could be bought for a fee.

Because here to sing is to cover

your stories with more stories.

Here we are all busy with mythmaking.

The uncovering of these stories

has yet to begin.

Aurelio S. Agcaoili

Torrance, CA

Jan. 3, 2005

The Rainbow Is Absent In The Grey Skies

Today is the second day

of the new year. It is a Sunday of unrest

& disbelief for these days of grief here and elsewhere.

Cataclysm after cataclysm

welcome us with their dark forebodings

as the war in Kabul rages

as the bellicose drama in Damascus goes on

as the bullets and bombs roar in the bloodied skies

as survivors from the tormenting tide come back to life

as leaders assess their interest

& profit before pledging to help

as we trek to donation centers

& box our sympathies to be shipped

to places interred by the watery grave

It is already

the second day of the year,

this Sunday of your anguished singing

to usher in a new hope, a new courage

as you put on layers upon layers

of warm clothing on your colored skin,

its brown unable to withstand the chill

of the wet weather.

It could have been that radiant

rainbow on your window, blinds rolled up,

its glass panels wiped clean by the fierce winds,

the raging rain, that saved the day.

Or the call from a beloved seven thousand

miles away beyond the surging sea

& reporting that there could have been

a coup concocted on the day of the new morning

mourning the death of an epic king.

The sorrow was not enough, the beloved says,

not enough to cement the hurts and the pains

of the starving masses, victims forever,

not enough to pave the road to reclaim

an honor lost for a friend deposed

for lying on his oath to the people

for obstructing the course of our just meals

by imprisoning the dark waters

of the river that witnessed all the masquerade,

the medley of maneuverings,

a phantomime of drunk godfathers

lusting after the nation's wits.

He could have started alright,

the beloved says. She means the president

that promised everything

from births to deaths. He sired sins instead,

a thousand of them, sins from scenes of avarice

in their midnight snacking of our knick-knacks,

sins the exiles can track down

through the rumors of regrets

from the suffering masses

from all those who believed in his lies

from the poet who wrote his speech

from the singer who sang his song

from the applause of the public

that approved his posturings.

Or that he was in the beginning fallen, she adds.

Either way, this is the picture of a land languishing

in the jail of its own tormented dream.

It is a picture of the sadnesses of all exiles as well,

those who leave

because they have to

because this morning is a sad sun

missing its appointment with the newly-mowed grass

& the thousand thoughts of tears

hedging their broken hearts.

There is war in them as well.

A war of words. Courage. Daring.

All in the name of cowardice. Or self-redemption,

this last one for the polite & the presumptuous.

The words that do not know their names and number,

& the absent rainbow makes the counting of them

uncertain, if not impossible.

In the afternoon, the clouds turn into grey.

In the quietude of the streets, the exiles watch the gathering

of darkness in this land

of robust hopes and a fickle memory

of a homeland going hungry

of many lands going berserk & brutish

because the rainbow misses its appointment with the sun

because the rainbow is afraid to streak

through the somber skies.

Aurelio S. Agcaoili

Torrance, CA

Dec. 3, 2004


Ang balitang ito ay para sa lahat ng kaibigan.

Nasuwertehan ko ang Grand Prize sa 9th Rizal Literary Awards dito sa Estados Unidos noong Dis. 29.

Tumugma ang aking sanaysay na "Dissecting the Corrupt and Corrupting Consequences of the Conflict of Nations and Locating the Rizal Alternative to Resolving These Continuing Conflicts" sa panlasa ng mga hurado kaya hayun, naka-award.

Naka-post na ang sanaysay na ito sa aking archive noong Disyembre 2004. Ilalathala ng ilang pahayagan ang naturang sanaysay.

Naglakas-loob na ako na ibalita sa inyo ito. Malay ako na ang iba nating mga kaibigan ay walang akses sa midya dito. Baka naman kako may mapupulot kayo sa aking sanaysay. Nangangarap ba na meron katuturan yung artikulo kong ito. Ala ngarud, basaenyo latta kadin no kayatyo. Barbarengli.

Lungkot Ang Binabayaran sa Manggagawa sa Ibang Bayan

Lungkot ang binabayaran

sa manggagawa sa ibang bayan.

Hindi yung kanyang talino.

Hindi yung kanyang utak.

Hindi yung kanyang kakayahang


o magbigay aliw

o umawit ng himit na buong puso at galak

para sa mga kostumer sa aliwan sa Phuket

o sa isang bar sa Phi Phi

o sa isang casa para sa mga marinero sa Long Beach.

Kapalit ng lungkot ang limpak-limpak na salapi,

bayad ng maraming araw at buwan at taon

ng pangungulila ng mga bisig

sa pagbuhat sa bunso

sa pagtabas ng dama de nocheng

umangkin na sa pader ng kapit-bahay.

Tuwing gabi lalo na ngayong taglamig,

pinagpapatong-patong ng mga nandarayuhan

ang mga alaala sa bayan at mga magulang at mga anak,

ginagawang balabal na panlaban sa niebe

ginagawang diaket na pangontra sa talas ng yelong ulan

ginagawang kumot na kung gumapang sa katawan

ay parang isang libo at isang kamatayan.

Kayraming hinagpis sa pangingibang-bayan.

Kayraming luha ang kelangang ilagay sa palad,

bilangin ang pagpatak at hanapin sa mga bilang

ang darang at pagsuyo sa mga pilapil na iniwanan,

sa mga bukid na tumatambad sa panaginip

sa mga bundok na ang tugatog ay kagampan

ng lahat ng nais:

sapat na pagkain sa araw-araw

na di kayang garantiyahan ng pamahalaan

sapat na perang pambayad sa pag-aaral

na di ring kayang garantiyahan ng pamahalaan

sapat na impok na sasandalan

sa pagtanda ng mga hita at kalamnan

at pagliliwaliw ng lakas sa nakaraang

panahon ng kabataan, impok na di ring

kayang garantiyahan ng pamahalaan.

Bagkus, sasabihin pa ng aking kailihan:

siya, siya, umalis, umalis at magpadala

at magpadala ng dolyar.

Lungkot ang binabayaran

sa mga manggawa sa ibang bayan.

Kapalit ng dolyar ang lungkot

na kasa-kasama araw-araw.

Aurelio S. Agcaoili

Torrance, CA

Enero 1, 2005