Ang araw ng alikabok
ay tulad
ng lahat ng simula
ng lahat ng katapusan.
Magsisimula tayo
sa mga sansaglit
ng yun at yun din
na pag-aalinlangan
sa mga umagang darating
sa mga katanghaliang
tapat na kalaguyo
ng haring hanging
ng reynang araw
ng prinsipeng buwan
ng prinsesang bituin.
Pero hanggang sa salita
lamang ang mga ito.
Mauuwi ang lahat
sa laway
sa pananakit ng tiyan
sapagkat pinasukan
ng masaming hangin
ang ating utak.
Samantala,
sa araw ng alikabok,
ipaalala ng mga umaga
ang pagdating ng dapit-hapon.
A. S. Agcaoili
No comments:
Post a Comment