Wala na akong pera,
sabi ng bunso.
Tatlong taong isip
na nanggigising
sa kalagayan
ng ating panlipunang
pagsuyo.
Wala na rin tayong pera,
tayong mga magulang,
at wala na rin
tayong dangal,
tayong mga hangal,
tayong palagiang
nagtitiwala
sa mga magnanakaw
ng ating kakanin
sa bawat araw.
Wala na
tayong pera, sabi
ng ating mga bunso.
At sa pagtataksil ng bayan,
ang pera
ay sa taguan ng mga mahikerong
ang palabra'y sa bolero.
Sinasalamangka nila
ang ating mga panaginip
sa lung-aw
sa kasaganaan
sa kaluwalhatian
sa kaunlaran.
Inaangkin
ang ating pagtataya
sa hueteng
ng ating
mga pag-asang
naliligaw
nanliligaw.
Ilan, halimbawa,
sa mga naluluklok
sa kapangyarihan
ang nagkakamal
ng ating mga limpak-limpag
na pangarap
mula sa ating dugo
mula sa ating mga pawis
mula sa ating pagkapit sa patalim
upang disinsana'y makasubo
ng tatlong ulit
ng kanin nainin
sa makatarungang tugon
ng ating siglo-siglong daing?
Wala na akong pera,
sabi ng bunso.
Sabi rin ito ng lahat
ng mga bunso.
Ang parilala ng kawalan
ay sa panahon
ng pagpapanibugho
sa lahat
ng mga mayor na nagtataksil
sa ating hapag-kainan
sa lahat
ng mga kolektor
ng mga barya-barya
ng ating karukhaan
sa lahat
ng mga pulis
na nagtitiyak ng proteksyon
sa pagsusulong
ng ating kamangmangan
sa lahat ng mga ministro
ng poon
na nagbabasbas
ng kasalaulaan.
Ay, silang lahat,
sila sa kanilang paglalaro
sa ating pakikipaglaro
sa mga numerong
nambibigo sa ating
pakikipagsapalaran,
silang lahat ang tagapagpatupad
ng pagpapalaganap ng hikahos
ng ating mga isip
bulsa, pitaka,
kaldero, pinggan,
hikahos sa mga larawan
ng mga pipisuhin,
pang-agdong-buhay
sa ating malayang pakay
para sa isang buhay na matiwasay
para sa mga bunso
para sa mga panganay
para sa lahat ng mga supling
ng kailihan
para sa atin din,
tayong lilibuhing piso
kung mangarap sa araw-araw.
A. S. Agcaoili
Carson, CA
Memorial Day, Mayo 5, 2005
Pagsulat ng Tula sa Ating Wika
Nagsusulat ka pala sa Filipino,
sabi sa akin ni Ka Dante.
Akala ko sa Ingles ka lang
nakakabuo ng mga talinghaga
ng ating siphayo,
tayong mga nilalang
sa pangguguyo ng ating
mga senador, mga mayor
ng lahat ng uri ng hueteng,
lahat ng uri ng pandarambong.
Nagsusulat pa ako sa Ilokano, sabi ko,
ang wika ng lahat na mga niloko
noong panahon ng Hapon,
noong panahon ng Bagong Lipunan
ng mga gayon at gayon ding patibong,
ng mga alias, ng mga golpe-de-gulat,
ng mga nananakot ng armalyat
ng mga nananakot ng karsel sa Campo Juan
at sa lahat ng mga kampo militar
ng ating mga pangamba.
Isinusulat ko ang ating kalagayan,
ang ating nagnanaknak na sugat,
ng ating nagnananang sugatan isip
tungkol sa kung sino nga ba tayo
sa ating mga naging presidente,
sa ating mga naging diputado,
sa ating mga naging mambabatas,
sa ating mga rebelde ring pumatay
sa ating pangarap.
Hindi ko alam ang linyadong tula,
Ka Dante. Pero alam ko ang lalim
ng lumbay ng ating bayan. At iyon
ang aking isinusulat sa alin mang
wikang nakakahuli sa ating hirayang
naglalayag, lumalampas sa mga bukid
ng ating mga sugatang magsasaka,
lumalampas sa mga palakaya
ng ating mga sugatang mangingisda,
lumalampas sa mga espasyo ng pakikibaka
ng ating mga sugatang manggagawa
sa mga pabrika, sa mga mall,
sa mga gusaling bantayog ng galing
ng mga sutil na hari ng masa.
A. S. Agcaoili
Carson, CA
Mayo 29, 2005
sabi sa akin ni Ka Dante.
Akala ko sa Ingles ka lang
nakakabuo ng mga talinghaga
ng ating siphayo,
tayong mga nilalang
sa pangguguyo ng ating
mga senador, mga mayor
ng lahat ng uri ng hueteng,
lahat ng uri ng pandarambong.
Nagsusulat pa ako sa Ilokano, sabi ko,
ang wika ng lahat na mga niloko
noong panahon ng Hapon,
noong panahon ng Bagong Lipunan
ng mga gayon at gayon ding patibong,
ng mga alias, ng mga golpe-de-gulat,
ng mga nananakot ng armalyat
ng mga nananakot ng karsel sa Campo Juan
at sa lahat ng mga kampo militar
ng ating mga pangamba.
Isinusulat ko ang ating kalagayan,
ang ating nagnanaknak na sugat,
ng ating nagnananang sugatan isip
tungkol sa kung sino nga ba tayo
sa ating mga naging presidente,
sa ating mga naging diputado,
sa ating mga naging mambabatas,
sa ating mga rebelde ring pumatay
sa ating pangarap.
Hindi ko alam ang linyadong tula,
Ka Dante. Pero alam ko ang lalim
ng lumbay ng ating bayan. At iyon
ang aking isinusulat sa alin mang
wikang nakakahuli sa ating hirayang
naglalayag, lumalampas sa mga bukid
ng ating mga sugatang magsasaka,
lumalampas sa mga palakaya
ng ating mga sugatang mangingisda,
lumalampas sa mga espasyo ng pakikibaka
ng ating mga sugatang manggagawa
sa mga pabrika, sa mga mall,
sa mga gusaling bantayog ng galing
ng mga sutil na hari ng masa.
A. S. Agcaoili
Carson, CA
Mayo 29, 2005
Malulungkot Ang Aking Mga Tula
Isang pag-aamin ito kay Linda Lingbaoan,
ang babaeng makata ng mga babaeng
nagja-japayukisan. Inaakusahan niya
ano na makata ng kalungkutan subalit
nakalimutan naman na siya rin makata
ng ganun ding kalungkutan.
Mahirap gumiling sa harap ng mga bayuhan,
sa kumpas ng mga mata lumuluwa
sa kalibugan. Siyang kanyang tema sa tula
sa Filipinang nangibang-bayan,
naghanap ng lapad
umalis sa pabayang bayan
lumayo sa mga pangako
ng lahat ng mga pinuno
ng ating mga plano sa kaunlaran.
Inaakusahan ako ni Linda Lingbaoan
na makata ako ng kalungkutan
pero siya rin ay malungkot
sa kanyang pagdidili-dili
sa ating pagdidildil ng asin
sa mahabang panahon ng pagkandili
sa atin ng mga maton ng baguong,
silang mga nagkakait sa atin
ng pangarap sa pinakbet
ng pangarap sa pagdighay
ng pangarap sa pagpipiging
na kasama ang mga anito
na kasama ang ating alaala
ng buhay na matiwasay
sa dulang man o sa pagtulog
sa hagakhak ng mga anak at
sa kuwento ng mga ninuno
tungkol sa ating tagumpay.
Malulungkot ang aking mga tula,
makatang Linda Lingbaoan.
Sinlungkot din sila ng iyong
mga tula tungkol
sa mga binibining
nagkakalakal ng katawan,
mga binata na nagkakalakal
ng isipan, mga taumbayan
na ang bayan ay dayuhan.
Malulungkot ang aking mga tula,
makatang Linda Lingbaoan.
Dito sa kalungkutang ito
ay ang ligaya ng isip
na maghangad ng simbuti
ng matapat na araw,
ang ningning ay tulad
sa ating buhay na panaginip,
ang pangako ay tulad
ng buhay na ilog sa Abra,
bumabagtas sa mga buntok
upang upang umuwi sa dagat
at doon, doon sa lungkot
ng paglalakbay,
doon lilinaw ang lahat
ng dilim ng panimdim,
lahat ng burak ng mga hinaing,
at sa basbas ng mga ulang
ating, ulan ng ating mga langit,
mawawari ang patotoo
ng lahat ng mga lungkot
na atin ng inangkin.
A. S. Agcaoili
TWIP, Carson, CA
May 29, 2005
ang babaeng makata ng mga babaeng
nagja-japayukisan. Inaakusahan niya
ano na makata ng kalungkutan subalit
nakalimutan naman na siya rin makata
ng ganun ding kalungkutan.
Mahirap gumiling sa harap ng mga bayuhan,
sa kumpas ng mga mata lumuluwa
sa kalibugan. Siyang kanyang tema sa tula
sa Filipinang nangibang-bayan,
naghanap ng lapad
umalis sa pabayang bayan
lumayo sa mga pangako
ng lahat ng mga pinuno
ng ating mga plano sa kaunlaran.
Inaakusahan ako ni Linda Lingbaoan
na makata ako ng kalungkutan
pero siya rin ay malungkot
sa kanyang pagdidili-dili
sa ating pagdidildil ng asin
sa mahabang panahon ng pagkandili
sa atin ng mga maton ng baguong,
silang mga nagkakait sa atin
ng pangarap sa pinakbet
ng pangarap sa pagdighay
ng pangarap sa pagpipiging
na kasama ang mga anito
na kasama ang ating alaala
ng buhay na matiwasay
sa dulang man o sa pagtulog
sa hagakhak ng mga anak at
sa kuwento ng mga ninuno
tungkol sa ating tagumpay.
Malulungkot ang aking mga tula,
makatang Linda Lingbaoan.
Sinlungkot din sila ng iyong
mga tula tungkol
sa mga binibining
nagkakalakal ng katawan,
mga binata na nagkakalakal
ng isipan, mga taumbayan
na ang bayan ay dayuhan.
Malulungkot ang aking mga tula,
makatang Linda Lingbaoan.
Dito sa kalungkutang ito
ay ang ligaya ng isip
na maghangad ng simbuti
ng matapat na araw,
ang ningning ay tulad
sa ating buhay na panaginip,
ang pangako ay tulad
ng buhay na ilog sa Abra,
bumabagtas sa mga buntok
upang upang umuwi sa dagat
at doon, doon sa lungkot
ng paglalakbay,
doon lilinaw ang lahat
ng dilim ng panimdim,
lahat ng burak ng mga hinaing,
at sa basbas ng mga ulang
ating, ulan ng ating mga langit,
mawawari ang patotoo
ng lahat ng mga lungkot
na atin ng inangkin.
A. S. Agcaoili
TWIP, Carson, CA
May 29, 2005
Small Miracles Are Big
For us the wounded
and hurting,
rootless as of yet
in this hard land,
life is not a game
of roses in summer
as in spring
even when the winter cold
does not make us chill
in evenings that come late
for the first supper
we dine on and on
to make us remember
the color of pains
we carry with us
each day of our dreaming
of the dollars
of our endearings.
Small miracles come to us
as we hit right
with the sun shining,
each dawn as each dusk
when memories
are less forgiving.
And the small miracles
are big ones,
big for our
minute minds to know,
huge for our small hearts
to hope for something less
than a full meal
for our sweet sorrow.
In the meantime,
this is sufficient,
these small miracles
getting bigger
and bigger for us
to contain.
Understanding does not come
ahead of things
other than seeing
that which is
beyond seeing.
There is time even
in small miracles
getting bigger and bigger.
A. S. Agcaoili
The Weekly Inquirer Philippines
Carson, CA
May 28, 2005
and hurting,
rootless as of yet
in this hard land,
life is not a game
of roses in summer
as in spring
even when the winter cold
does not make us chill
in evenings that come late
for the first supper
we dine on and on
to make us remember
the color of pains
we carry with us
each day of our dreaming
of the dollars
of our endearings.
Small miracles come to us
as we hit right
with the sun shining,
each dawn as each dusk
when memories
are less forgiving.
And the small miracles
are big ones,
big for our
minute minds to know,
huge for our small hearts
to hope for something less
than a full meal
for our sweet sorrow.
In the meantime,
this is sufficient,
these small miracles
getting bigger
and bigger for us
to contain.
Understanding does not come
ahead of things
other than seeing
that which is
beyond seeing.
There is time even
in small miracles
getting bigger and bigger.
A. S. Agcaoili
The Weekly Inquirer Philippines
Carson, CA
May 28, 2005
Pagmamadali sa Kaarawan
(Para kay Nasudi Anchin)
Ngayon na ang aking kaarawan,
siyang panggigiit ng bunsong
pangarap. Iniwan sa piling
ng mga alaala sa parating
na kinabukasan. Malayo
ang Agosto ng mga lobo
at bubbles
Ngayon na ang aking kaarawan,
siyang panggigiit ng bunsong
pangarap. Iniwan sa piling
ng mga alaala sa parating
na kinabukasan. Malayo
ang Agosto ng mga lobo
at bubbles
Selling Ourselves
The way to go is
to move on and on.
We sell ourselves,
we sell our souls
all the time
in marketplaces
where sins are exchanged,
dollar for dollar
peso for peso
or the currency
that comes close to complicity
duplicitous as monies are
as signs of our intentions
as presences of our motives
even when we talk of poems
we recite close to our hearing,
the words trembling with guilt
the lines mumbling with numbness.
to move on and on.
We sell ourselves,
we sell our souls
all the time
in marketplaces
where sins are exchanged,
dollar for dollar
peso for peso
or the currency
that comes close to complicity
duplicitous as monies are
as signs of our intentions
as presences of our motives
even when we talk of poems
we recite close to our hearing,
the words trembling with guilt
the lines mumbling with numbness.
Subscribe to:
Posts (Atom)