Magsisimula
ang bulong-bulungan
sa salita para
sa mga mangmang.
Parang mga bandidong
damdamin
na ikinukontrabando sa
batang dilim,
inaabrakadabra
sa malamig na sinaing,
ihinahalo sa mga subong sakim
sa araw-araw na pagpipiging
ng mga eksena
ng pangitaing itim
sa bayan man o sa mga selda
sa oras ng mga disoras
na pagnanasa
para sa buhay
na tutubusin pa.
Ayna, kayhirap
magsimula sa wala.
Ikinakapital pa rin
ang kamatayan
sa paglikha
ng panaginip sa bayan
tulad ngayon
sa operasyon ng bala,
ng mga hinahabol
na paghinga
ng mga isinasanlang luha
ng mga lamang
niluluray-luray
ng ngalit sa mga pader
ng galit sa mga rehas
lahat, lahat, ibinubuwis pa rin
natin lahat, mula noon
magpahanggang ngayon:
buhay, bahay, at basbas natin
sa mga pinunong nilikha
mula sa putik na panimdim
mula sa abong kasiyahang
alay ng mga paltik, payaso,
kalibre 45 sa ating mga plato
kalibre 22 sa ating mga bigasan
dinamita sa ating mga bulsa
bomba sa ating mga pitaka.
Ayna, magpapakawala tayong
lahat ng buntong-hininga
pangontra sa maitim na sumpa.
A. S. Agcaoili
Marso 15, 2005
4 comments:
Napakasarap basahin ang iyong mga sulat. Salamat sa isang sandaling nakapagbibigay buhay.
mahal na tatangretong:
di lang ninyo alam ay ang ganitong komentario mula sa mga tulad ninyo ang nagbibigay sa aming mga sumusubok isalin sa tula ang ating mga hinaing ng kakaibang lakas ng loob at ng enerhiyang walang hanggan.
masakit ang proseso ng pagkatha--at tulad ito ng hapding bumabayo sa dibdib ng ating mga mamamayan at ng sambayanan.
muli, maraming salamat.
di ko ho alam kung sino sila--at ipagpaumanhin ninyo. kaya kung mamarapatin ninyo ay nais ko sanang makilala kayo.
ariel
Ariel,
My blogsite is http://karinderia.blogspot.com. I work in biotechnology and got educated in Berkeley where I did a Ph.D. in biology. I am a photographer and I try to write. My father was Ilokano. And I wonder if you know my uncle, Benjamin M. Pascual. My uncle used to contribute to Banawag.
Drop by and read my blog. I hope you don't get too offended. After all, you must understand, I am liberal and somewhat American. I just speak my mind.
I read your blog and I say to myself, this is how Tagalog poetry should be. This is the real stuff. Heck, I say, this is how poetry should be. Universal and true.
Take care and God Bless,
dear tatang retong,
hinanap ko ang iyong site at nakita ko. maraming salamat. paumanhin na tatang retong ang tawag ko dahil di ko pa nasaliksik kung sino ang siyentistang makata/makatang siyentistang aking kausap.
pinasadahan ko na ang iyong mga entry--tula, sanaysay, komentario--at alam kong di basta-basta ang isip na pinuhunanan ng mga ganitong obra. i am frank as well--and i am not doing an argumentum ad populum. please accept my salutations.
yes, i know tatang benjamin. he was one of our best writers in ilokano and english (he did an authoritative translation of the epic lam-ang.) i have kept some of the books he gave me. in some instances, he fought for me in some writing contests (imagine a critic, a teacher, a writer, and a lawyer--he finished law, i think!--fighting for the artistic merit of my work!) kalaban niya kasi ang mga inaamag na utak sa... (i delete this!) at iba pang grupo. a real pascual--and he came from the same place where i grew up, Laoag.
I will to go back to your site some more and drink from the well (bubon!)of that site.
thank you, once again.
Post a Comment