Apat na taong gulang na minsan ay binubulol pa ng mga kumplikadong mga tunog, mga salita, mga idea.
Isang taong gulang nang iwan upang maglagalag sa ibang bayan, milya-milya ang layo sa tahanan. Hindi kasama rito ang tila walang katapusang dagat sa aming pagitan, mga alaala ng pagliban na hindi kailan man maibabalik ng panahong nilustay ng pakikipagsapalaran.
Naiisip ko ngayon: may galak sa kalooban ng bunso na makaalam sa mga numero ng mga telepono ng mga taong nagbibigay ng kapunuan sa aking pagkukulang.
Tulad halimbawa ng kanyang tiyahin na halos gabi-gabi kung sila ay mag-usap.
Noong una ay ang tiyahin ang tumatawag sa amin, kinakausap ang bunso.
Nang maglaon, nang matuto ng kahalagahan ng mga numerong pinagkabit-kabit upang sa pagpindot ay makakalikha ng pagkiriring sa kabilang dulo ng linya ng taong tinatawagan, minemorya ng bunso ang numero ng tiyahin at siya na ang tumatawag sa kanyang tahanan.
Malimit na ito.
At di pa nagkasya. Isa na namang tiyahin ang nakuhanan ng numero, at tuwi-tuwina ay tumatawag sa mga pinsan na higit na matanda sa kanya.
Nang makabitan ng telepono ang bahay ng aking ina, ihinanda ang sarili sa panibagong pakikipaglaban.
Ilang uli na sinulat ang numero ng kanyang lola, sinulat sa kuwadernong hiningi sa akin, kuwadernong tila listahan ng mga numero ng kanyang gustong tawagan.
Ngayon ay kabisado na niya ang telepono ng lola, at walang araw na pumapalya na di kausap ang pinsang
No comments:
Post a Comment