Isang gabi ito nangyari, gabi namin dito sa Los Angeles.
Ilang araw din akong di nakatawag sa tahanang iniwan at kapag ganito ang pangyayari, nagsisimula ang aking depresyong walang ngalan.
Isa lamang ang solusyon ng ganitong kalagayan: isang tawag lang sa Pinas, sa bayang iniwan ngunit di maiwan-iwanan.
Isang tawag sa mga anak, sa kabiyak.
Isang tawag sa bunso na nagsisimula nang magexperimento ng mga salita at ng mga taglay nilang kapangyarihan.
Tulad ng pagsasabi ng, Bilhan mo ako ng Dora, papa, yung si Dorang makulit, yung malaki.
Gaano kalaki, usisa ko.
Yung malaki, yung mabubuhat ko.
Apat na taon na siya, ang bunsong iniwan. Isang taon nang magpasya akong makipagsapalaran sa Amerika, at ngayon, tatlong taon na ang araw-araw na pagliban sa kanyang paggising at pagtulog.
Sa gabing iyon, hindi ako natulog.
Hinintay ko ang tamang oras sa Pilipinas, ang orasan sa harapan.
Ang metapora ng ulan ay laging sa
Umuulan din ba sa bahay mo, papa? ang kanyang tanong pagkatapos kunin uli ang telepono. Nagpaalam na aalis saglit, at kabilin-bilinan na saglit lamang siyang mawawala.
Ang nakatatandang ate ang kasama, kasama rin sa usapan.
Umuulan noon sa Pinas, tila malakas ang ulan.
No comments:
Post a Comment