The Heaviness of Being in the Exile

Published in The Weekly Inquirer Philippines

June10/05







DEAR ATE GLOW & KUYA FIDEL



By Aurelio S. Agcaoili



Dear Ate Gow & Kuya Fidel,

Itago ninyo na lang ako sa pangalang Maria Geronimo. Ngayon, sapagkat ilang taon na rin ako rito sa Estados Unidos ng Amerika, minabuti kong gawing tanyag ang pangalang Marie para sa mga kasalukuyang kakilala at mga makikilala pa lamang. So, the reason is obvious enough for you both: for the sake of the present and for the sake of the future. So, tawagin ninyo na lang akong Marie—Marie for short.



Nagpunta ako rito bilang turista. Sabi ko sa konsul, magtu-tour lang ako. Turista ba—tourist. Para bang sa kuwentong barbero tungkol sa isang nagtatanong sa kababayang tila bagong dating pa lamang: “Torest ka rin, Inday, torest ka rin?” Ang sagot ng tinanong ay: “Reyes ako, torpey. Hindi ako Torres!” Nakakatawa itong joke na ito kahit di ko pa alam na joke pala. Ikukuwento ko sa iyo—ijo-joke ko kapag nagkaroon tayo ng physical chance to get physically in contact.



Talagang balak ko lang mag-tour noon—tour lang talaga, promise. Parang going ‘round and ‘round the best places of this great country of the melting pot of all the cultures and civilizations of the world, ba!



So, nakipagkonek ako sa mga kaibigan at kakilala at inanunsiyo sa kanila na, “Here I am, here I am! I am coming, I am coming! Los Angeles, here I am! New York, here I am! San Francisco, here I am. New Jersey, here I am. San Diego, here I am. Honolulu, here I am. Las Vegas, here I am. Chicago, here I am.” Pero, teka, hindi ba mga areas of distribution ito ng mga magdidiyaryo sa The Weekly Inquirer Philippines? Ito ay bago nangyari ang lahat na social trauma ng 9/11. So medyo malaya pa ang mga konsul sa Pinas sa kanilang pagdedesisyon sa kung sino ang kanilang papayagang makahalik at makaapak sa da great land of the American peoples—peoples, with an S, small case, kasi nga, ang Amerika ay bansa ng mga bansa.



In short, a wonderful nation among nations, this United States of America. So when I came here, pati yung hipag ng aking ina na primero uno niyang karibal sa atensiyon at pagmamahal ng angkang Geronimo ay napilitang mag-courtesy call sa akin sa aking pagdating at patagong inipit sa aking kamay ang kanyang nanlilimahid na beinte dolyar. Hindi ko tinanggihan. Pinambili ko ito ng unang lipstick kong imported na ginamit kong pinangdisimula sa aking namumutla at nagkabiyak-biyak na labi sanhi ng lamig ng winter, ang una kong winter. Ano kayo? Hindi ako nagpakipot, nag-tenkyu agad ako at with all poise, ibinulsa ko sa aking jeans na binili ko sa PX store sa may San Fernando sa Pampanga.



So I fell in love with this country the first time I came here. And surely, I never left it. I left the dearly beloved Filipinas in 86, at the time of the great upheaval, if you remember. That was the time of the crisis, the political one that began somehow in 83 when Ninoy—remember Ninoy?—came home to offer himself in that ultimate sacrifice for the motherland. Oh, what a sacrifice! There are not many now who have that heart and soul. To sacrifice for the motherland that you have loved all your life but she seemed to be incapable of loving back? You are kidding, Ate Glow! You are nuts, Kuya Fidel! How could you say and see otherwise?



But no, maybe, that was an exaggeration. It is possible that those who have the power are really the culprits—that they are the ones who do not love us back even if we keep on loving them from one voting time to another voting time. Not the motherland, not the homeland. Despite everything, despite our going away, she has remained the land of our hearts, I suppose.



Pero kung saan-saan na napupunta ang sulat kong ito. Kasi nga naman, sa tagal ng di ko pag-uwi sa Pinas, nadidiskaril na siguro ang aking isip tungkol sa atin. Lalo na ngayon, tila di naman yata bumubuti ang ating kalagayan. Para bang lalong gumagrabe ang ating paghihikakos. Nung umalis ako, hirap na tayo noon. Sabi ng aking mga kamag-anak—at sapagkat di ko naman maatim na tapusin ang aming pagkakamag-anakan di tulad dito na ang pinsan ng biyenan ng iyong bayaw ay di mo na talaga kaanu-ano—palala ng palala daw ang sitwasyon sa atin. Iniisip kong bumalik sa atin—magbakasyon, halimbawa. At kung kinakailangan ay doon magpa-liposuction para mapatunayan ang galing ng mga cosmetic surgeon doon. Iwinawagayway ng mga artistang nagkakalakal ng hitsura at katawan na inaabrakadabra lamang ng kani-kanilang surgeon ang kani-kanilang love handles, unwanted bulges, at wrinkles.



Segun sa ganitong mga datos, nagdadalawang-isip ako kung tama ang desisyon na: una, umuwi at muling masilayan ang sinilangang bayan; ikalawa, makita sa paraang diretsahan kung ano nga bang nagaganap sa atin; ikatlo, makapagdala man lamang ng konting pasalubong mula sa mga garage sale at yard sale at church sale sa mga kaibigan at kakilala at kamag-anakan na matagal nang di nakita simula noong ako ay tumulak papunta rito; at ikaapat, makapag-ambag man lamang ng konting dolyar sa ekonomiya ng bansa na tila umaasa na lamang sa mga padala mula sa ating hanay, tayong mga bayaning nandarayuhan.



At tanong ko ay ito: Sa palagay mo ba ay makakauwi pa ako sa atin pagkatapos ng mahabang panahong paninirahan sa malayo?



Sumasaiyo,

Marie



Dear Marie, a.k.a. Maria Geronimo—or Marie for short,

Una, malalim ang tanong mo. Parang mahirap arukin kung saan ito patutungo?

Pangalawa, nakakatuwang isipin na meron pang katulad mo na nakaugat na at lahat-lahat sa bansang umampon sa atin pero iniisip pa ring umuwi at makibahagi sa pagbuo ng makabuluhang kasaysayan sa atin.



May ilang usapin na di ko kayang mabigyan ng karampatang tugon. Halimbawa rito ay yaong tungkol sa pagpapatanggal ng bilbil at mga kulubot ng noo. Mabuti na lang at di ka nagtanong tungkol sa pagtanggal ng mga warts at pagpapalagay ng permanenteng kilay pagkatapos mauso ang pag-aahit sa mga ito at ang kapalit ay mga makakapal na lapis tulad ng lapis na pinangsusulat natin noong tayo ay nasa grade one pa lamang. Sa mga bagay na ito, di ko alam ang sagot. Tila ang makakatulong sa iyo ay ang Sonia’s, yung sa tapat ng opisina ng The Weekly Inquirer Philippines sa may Carson. Let us drop this topic at once. Finalmente. Senyora o senyorita?



Teka, di mo nabanggit kung papaano ka naging ligal dito. Nakapag-asawa ka ba ng citizen—o nag-asawa ka lang basta? Wala ka bang asawa at anak—in short, immediate family—sa Pinas? Kung wala, solved. Kung meron, anong milagro ang ginawa mo? Papaano na ang annulment mo—o diborsiyo? Sana wala kang asawa noong nagpunta ka rito para hindi relevant ang mga katanungang ito.



Balik tayo sa tanong mo: Makakabalik pa ba ako sa Pinas? Can I go back—would there be a way for me to go back? Is it possible for me to step back into that time when I was not yet part of the American landscape and I had not many choices in terms of images and symbols, hopes and dreams, possibilities and realities?

I hate to say this, Marie. I hate it, believe me. But the answer to your question is:

No. A big, big No. Well, now, that depends.



Una, palagay ko ay nag-asawa ka rito. Simple lang naman yun e. Papaano ka naligal, halimbawa, kung turista ka lang naman, kamo. Di pa hindi ka naman Torres? At di ba, hindi ka rin Reyes? Do you get my drift, hija mia?



Pangalawa, dahil nag-asawa ka, ginawa mong Marie ang Maria. Ngayon, mula sa Maria patungong Marie, papaano ka makakabalik? Kelangan mong maging Maria muli. Maria, two syllables, stress on the “a”. At ang “r”, matigas din, sintigas ng pagtanggi ng lahat ng mga maghu-jueteng sa munisipyo, sa kapitolyo, sa police headquarters, sa konggreso, sa gilid-gilid ng lahat ng mga kampo military, sa gilid-gilid ng senado, sa gilid-gilid din ng palasyo.



Pangatlo, kung papayag ang asawa at mga anak mo—isama mo ang mga apo mo kung nag-asawa ang mga anak mo ng maaga—makakabalik ka talaga. Ang mahirap lang ay ang umalis na wala nang babalikan pa.



Sumasaiyo,

Ate Glow



Dear Marie,

You cannot go back, you cannot step back into that time when you were less knowing and the Philippines was yet a country awaiting redemption and liberation.



Now that you know better, you will see the differences. Now that you are more knowing, I am pretty sure you will not be contented with liposuctions and all those other things that prop up the false claims of the agents of the commercial, reified, objectified notion of the beautiful. There is much crap in all these things like the crap about the country in the throes of crises after crises that you get tired and stressed out and numbed after hearing of them many times over. The liposuction—o come on, forget those. Marie—or Maria, you know better. Ever read something in the sacred book about vanity of vanities—vanidad de vanidades? Let us all be forewarned. This notion about beauty leads you into a great abyss of emptiness, nullity, vacuity. You are beautiful in your thoughts about your thoughts, your thoughts about your old country, your thoughts about putting in so many chips into the future of our people. May your tribe increase—and may it keep on increasing till kingdom come.



Let us subject your question into an existential cross-examination and analysis.

You cannot step into the same river twice. Was it Heraclitus who said that? This is change and its wonderful lessons. This is the only thing that is certain—the changeableness of change—the permanency and certainty of change. So where does that lead you? Sure, you can go back to the old country physically. But the psyche that goes with it, the soul, the awareness, the consciousness, the care, the concern—all these you must consider in your going back, in your returning to the fold of the motherland. What to do?



O, just be open to the possibilities of entering into another world where the memory and the experience may be emotionally and intellectually charged. Remember, there is estrangement in exile. The return of the exile is a bit difficult after a long time of absence.



Sincerely,

Kuya Fidel



No comments: