GOBERNADOR LINDA LINGLE
DISKURSO SA ESTADO NG ESTADO
Enero 22, 2008
Magandang umaga kapwa residente ng Hawai’i, ating ‘ohana…kama’aina at malihini…keiki at kupuna…sibilyan at militari. Ispiker Say…Presidente Hanabusa…iba pang mga halal na opisial…at kagalang-galang na mga panauhin. Aloha kakou.
Buong pakumbaba at buong pusong nagpasasalamat na humarap ako ngayon sa inyo sa umagang ito para sa aking ikaanim na Diskurso sa Estado ng Estado.
Ang aking taunang report sa mga taumbayan nga Hawai’i tungkol sa estado ng ating minamahal na Estado ay isa sa mga pinakatanging pribilehiyo ng Gobernador.
Binibigyan ako ng oportunidad upang ibahagi kung saan tayo nakarating…at pagkatapos ay magbibigay ng pokus kung sa aking paniniwala ay kung saan tayo patutungo…at kung papaano tayo makakarating doon.
Bago ko talakayin ang mga ideyang ito sa inyo, ibig ko sanang malaman ninyo kung gaano katindi ang aking pasasalamat sa inyo sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin.
Sa pagharap sa mga isyung dumarating araw-araw, ipinapaalala sa akin kung gaano kalaki ang responsibilidad na nakakabit sa aking trabaho…at buong pakumbabang humaharap ako sa inyo ngayon.
Mula noong ako ay nahalal muli noong huling bahagi ng 2006, tinatanong na ako ng mga tao at ang mga peryodista ay sumulat na tungkol sa kung anong puesto sa pamahalaan ako susunod na tatakbo.
At meron nang mga kolum ang nasulat tungkol sa kung susundan ko ang padron ng mga gobernador na bumabagal na ang kanilang paninilbihan sa kanilang pangalawang termino.
Ang aking mga direktor ng gabinete, si Tenyente Gobernador Aiona, at ako ay hindi ganoong mga tao a humihina sa paggawa…at nangangako kami na bawat araw ng mga susunod na tatlong taon ay maglilingkod kami ng buong husay.
Sa katunayan, lahat kami ay pare-parehong nagkaroon muli ng pagpapanibagong sigla at komitment sa aming pagsipat sa kinabukasang punumpuno ng dakilang pangako at potensial.
Mga kababayan…ngayon ang unang araw ng aking nalalabing Administrasion.
Inilalaan naming ang sarili sa pagsemento ng isang malinaw na direksyon para sa ating Estado: isang direksyon na nanghihikayat ng personal na responsibilidad, nagpapabago sa ekonomiya, nagbibigay ng pokus sa kasarinlan sa enerhiya, nagpepreserba sa ating mga kultural at natural na resorses, at nagdaragdag ng pangkalahatang kalidad ng buhay.
Mga kapwa mamamayan, wala na akong iba pang ambisyon kundi makamtan ang mga layuning ito.
PERSONAL NA RESPONSIBILIDAD
Ang nakaraang reduksyon ng inaasahang pagdagdag ng paglago ng rentas sa buwis ay nagpi-prisinta sa atin ng isang oportunidad upang magpanibago ang ating diwa sa ‘ohana at upang tanggapin ang higit na responsibilidad para sa kinabukasan ng Hawai’i.
Ang personal na responsibilidad ay higit pa sa pagiging responsible para sa mga desisyon na nakakaapekto sa atin bilang mga indibidwal.
Ang ibig sabihin ng personal na responsibilidad ay ang ating pakikisangkot sa pagtulong sa ibang nangangailangan at sa paglikha ng higit na mabuting Hawai’i.
Makikisangkot tayo sa mga lugar na kung saan tayo nanampalataya, sa ating mga eskuwelahan, at sa ating komunidad.
Hindi lang natin ipinapaubaya sa iba ang mga bagay-bagay.
Lahat tayo ay nakikibahagi sa isang paniniwala na tayo ay pamilya…‘ohana tayo…mga bilang na lumalagpas sa mga nakatira sa ating mga tahanan.
Kamakailan lamang, nagkaroon ako ng pagkakataon na makasalamuha ng ilang oras ang isang grupo ng mga kababaihan na naninirahan sa isang transitional housing facility na tumutulong sa mga babaing naka-parole, at ilang sa mga naroroon pa sa kulungan, upang matagumpay na makabalik muli sa ating komunidad.
Ang mga kababaihang ito ay bahagi ng ating ‘ohana.
Sa kabila ng abusong sexual na kanilang pinagdaanan, ng mga taong nalulong sa droga at kawalan ng tahanan, o sa bilang ng mga panahong sila ay naaresto, ang mga kababaihang ito ay tinatanggap na nila ngayon ang personal na responsibilidad sa kanilang buhay.
Sila ay mga inspirasyon sa akin sa kanilang pakikipagtunggali upang maintindig nila ang kanilang bagong buhay pagkatapos ng mga taon ng pagkaimbi, kabiguan, at masamang personal na pagpapasiya.
Buong tapang ang pagsasagawa nilang mabura ang kanilang nakaraang kasalanan at kahihiyan at takot sa pagkabigo.
At, bilang bahagi ng kanilang programa, sila ngayon ay tumatanggap ng responsibilidad para sa iba sa pamamagitan ng pagsasagawa ng boluntaryong serbisyo sa komunidad.
Ibig ko sanang ipakilala sa inyo ang pambihirang direktor ng TJ Mahoney, si Ms. Lorraine Robinson, at ang anim na kababaihan mula sa sa pasilidad:
Fay Mdereiros, Masina Faoulo, Ipo Kock-Wah, Gina Ishida, Jackie Bissen, at Lynick Ayau.
Mangyaring tumayo upang makilala kayo.
Ang personal na responsibiliadad para sa karaniwang mamamayan ay maaaring ipakahulugan ito bilang pakikisangkot ng tama upang maireport ang pang-aabuso o pagpapabaya sa bata sa inyong kapitbahayan.
At ibig sabihin ay ang pagtanggap ng mga ahensia ng gobierno ng kanilang mga pagkakamali at ang pagsasaayos sa pagkakamaling ito upang maisaayos ang sistema.
Ibig sabihin ay ang mga magulang ay tuturuan ang kanilang mga anak ng tama sa mali, at pagpapakita ng aloha para sa ating mamahaling lupa at dagat sa pamamagitan ng di pag-abandona ng mga sasakyan sa gilid ng mga kalsada o ng mga bangka sa ating mga bahura.
Ang ibig sabihin ng personal na responsibilidad ay ang pagmamaneho na may aloha, laging nakabantay sa mga naglalakad, at hindi pagpayag na magmaneho ang mga lasing na kaibigan.
Ang ibig sabihin ng personal na responsibilidad ay ang paghahanda sa ating mga tahanan para sa mga emerhensiya, at ang pagkain at pag-ehersisyo sa mga paraang namamaximisa ang ating mabuting kalusugan.
Sa kasaysayan ang mga tao sa Hawai’i ay nagpakita ng di pangkaraniwang kaluwagan sa pagtanggap ng personal na responsibilidad hindi lamang para sa kanilang mga sarili…kundi para sa kapakanan ng iba.
Subalit mayroon pa rin sa ating higit na ‘ohana ang naghihirap—yaong mga merong karamdamang mental, yaong mga mayroong disabilidad na pisikal, yaong mga kupuna na pihado lamang ang kinikita, yaong mga biktima ng pang-aabuso, at yaong mga nagsusumikap na maigpawan ang adiksyon sa droga o alkohol.
Kahit kaisa ako sa inyo sa pagnanais na sana ang gobyerno ay makakakagbigay ng tulong sa bawat nangangailangan ng tulong, at isaayos ang bawat problema na hinaharap natin bilang komunidad, hindi maaaring mangyari ito.
Tulad ninyo, naniniwala ako na ang gobyerno at ang mga nagbabayad ng buwis ay mayroong kapasidad na magsagawa ng dakilang kabutihan…subalit ang kapasidad na iyan ay hindi di-limitado.
Kaya, kinakailangan ang matalino at nasa ayos na paggasta, at kinakailangang gumawa tayo ng mga desisyon na naggagarantiya ng isang malusog na hinaharap pampinansiya.
Sapagkat tanging ang gobyernong malusog sa piskalia ang may kakayahan na magmantene ng isang sapat na lebel ng kinakailangang mga serbisyo sa higit na mahabng panahon.
Mga kulang-kulang dalawang linggong nakararaan, ang Konseho ng Rentas ay nag-adjust pababa ng $59 milyon ng halaga ng general fund tax revenue na aveylabol hanggang sa Taong Fiscal 2009.
Ito ay dagdag sa naunang reduksyon noong Mayo at Agosto noong nakaraang taon.
Kaya sa kabila ng pagpapanatiling lakas ng ekonomiya, ang suma nito mula noong Mayo noong nakaraang taon noong inadap ng Lehislatura ang biennium budget ay ang pagbaba ng estimeyt sa reduksyon ng rentas sa buwis ng $353 milyon.
Hindi kailan man malulutas lahat ng mga problema ng lipunan ang gobyerno.
Sa pamamagitan lamang ng ating nagbabahaginang diwa ng ‘ohana…at ng kaluwagan ng pagtanggap sa personal na responsibilidad para sa ating mga sarili at para sa iba…natin maiigpawan ang panahong nanghahamon maging ang hamon ay piskal, sosyal, o natural na kalamidad.
Ang kabuuang tagumpay ng ating Estado, sa kadulu-duluhan, ay nakasalalay sa kolektibong mga kamay ng mga tao, hindi ang gobyernong nag-iisang gumagawa.
Nasisiyahan ako sa balanseng ito…at may kumpiyansa ako sa kanyang resulta.
At mga halal na mga opisial ay kinakailangan ding tumanggap ng personal na responsibilidad, hindi lamang para sa higit na mahabang panahon ng piskal na kalusugan ng ating Estado, kundi para sa atin ding ekonomikong kalusugan.
Ang ibig sabihin nito ay ang paggamit sa ating may-takdang pinansiyal na resorses upang mamantene at mapalawak ang ating kasalukuyang impraisktruktura.
Binabati ko ang mga mambabatas sa inyong suporta sa pagkumpuni at pagmantene sa ating mga eskuwelahan, sa pagsasaayos ng ating sistema ng highway sa mga bahagi ng Estado na may mabilis na paglago, at ganoon din sa mga planong modernisasyon para sa ating mga eropuerto at mga puwerto.
Mayroon mahirap na mga pagpapasiya na kinakailangang gawin natin lahat sa darating na mga linggo at buwan, at pinakaasam-asam ko ang pakikipagkolaborasyon ko sa inyo upang makamtan natin ang pinakamainam na mga desisyon.
Inaasahan ng publiko—at karapat-dapat ito sa kanila—ang lahat ng mga ito sa atin.
Kasama sa mga desisyon na ito ang pagsasagawa ng mga istratehikong determinasyon tungkol sa direksyon tatahakin ng Estado sa nakakatuwang ika-21 na siglo.
INOBASYON
Nitong nakaraang 12 buwan, ibinahagi ko sa inyo ang isang malinaw na bisyon para sa pundamental na transpormasyon ng ating ekonomiya mula sa ekonomiyang sobrang nakabase sa makipot na debelopment ng lupa…tungo sa isang ekonomiyang base sa infinitong talento at intelektuwal na kapasidad ng pono’i ng Hawai’i…at mga tao mismo ng Hawai’i.
Tiyak tulad ng pagsunod ng gabi sa araw na di kayang magbabakabaka-sakali o dili kaya ay ipagbibili natin ang mga sarili sa karangyaan.
Bagkus, kinakailangan ng kaluwagan ng isip na mamuhunan tayo sa mga programang pang-edukasyon at workforce na nagbibigay ng kahandaan sa mga tao upang magtagumpay sa isang mundong padagdag na padagdag na kompetitibo.
Magiging napakalaking hamon ito sa ating pagbibigay ng reoryentasyon ng ating ekonomiya mula sa pagiging base sa lupa, patungo sa ang muhon nito ay ang preserbasyon ng ating mga resorses na kultural at natural.
Subalit isa itong hamon na kaya at kinakailangan nating harapin!
Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagtatambal ng mga natibong Hawayanong kultural na halagahan ng aloha ‘aina at respeto sa dagat, at ng sanay, at sapat na edukadong populasion na naniniwala na ang inobasyon ng mga bagay ay landas tungo sa tagumpay.
Ibig kong pasalamatan ang mga kasapi sa komunidad na tumangkilik sa ganitong bisyon sa kinabukasan ng Hawai’i.
At gusto ko rin pasalamatan ang mga mambabatas no sumuporta sa ekonomik na transpormasyon sa pamamagitan ng pagsuporta nila sa ating mga ideya, kahit ang suporta nila ay hindi sa lebel na ating hiniling, at ating kinakailangan, kung ibig nating magtagumpay.
Kung ang kinabukasan ay katulad din ng nakaraan, ang ating mga nakagawiang praktis at bilis ng ating paghakbang ay nakakasapat sa atin.
Subalit ang kinabukasan ng mundo at ang kinabukasan ng Hawai’i ay sadyang kaiba sa ating nakaraan kung kaya ay wala na tayong panahon para sa ganitong praktis ng nakaraan at para sa isang mabagal, at paunti-unting pagbabago.
Kinakailangan nating gumawa ng mga higanteng hakbang na magbibigay ng mahalagang progreso.
Kumbinsido ako na ang nakaraang malakas na ekonomiya ng Hawai’i ay nagbigay sa atin ng palugit upang ipagpaliban natin ang pagsasagawa ng desisyong mahirap at importante-importanteng, at nagmantene ng mga istruktura ng edukasion at workforce na di na angkop sa ika-21 siglo.
Sabi ng mga experto na hinaharap natin ngayon ang isang piryud ng pagbabago na kasingdakila ng panahon na ang lipunan ng tao ay dumadaan sa Rebolusyong Industriyal.
Sa prediksyong ito naniniwala ako na ang mga experto ay maaaring tama sila.
Upang makarating tayo sa ating paroroonan mula sa ating kinaluluklukan sa ngayon ay maaaring nakakatakot…subalit ito ang daan na kinakailangan nating tahakin…kahit minsan ang pagbibiyahe ay may katagtagan.
Ang tanging daan tungo sa ating kinabukasang ibig natin ay ang pagpapanatili sa bagong daan na ito.
Ang progresong atin nang nakagawa sa nagdaang 12 buwan ay nakakatuwa at nagbibigay-sigla:
• Nakapaglunsad tayo ng pang-estado programa na nagdaragdag ng global na edukasyon sa mga guro, estudyante, at residente ng Hawai’i.
Nagagalak ako sa presensiya ngayon ng aking natatanging panauhin, si Madam Wu Chi-Di, bise ministro ng Chinese Ministry of Education, na inaasahan nating makakasama sa marami pang educational exchanges.
• Sinimulan na natin itatag ang mga akademya sa middle at high schools na nagbibigay pokus sa siensiya, teknolohiya, enhinyerya, at matematika.
Binibigyan natin ng empasis ang edukasyon na STEM sapagkat ito ang tumutulong upang magbigay ng kasanayan sa mga nagtapos ng pag-iisip na analitikal, mga kasanayan sa problem-solving at teamwork na kinakailangan para sa isang mataas na kalidad ng trabaho para sa ika-21 na siglo.
• Sinimulan na natin ang programang MELE sa Honolulu Community College upang higit na maitatag ang artistiko at komersiyal na tagumpay ng industriya ng musika sa Hawai’i.
Ibig kong pasalamatan ang sistema ng community college para sa kanilang pamumuno sa mga inisyatib nga ganito.
• At nakipagpartner na rin tayo sa NASA, na mag-iisiponsor ng First Robotics Challenge sa Stan Sheriff Center sa Marco, na kung saan 25 sa mga eskuwelahang publiko at pribado ang sasama sa 12 mainland teams sa tinatawag na “Super Bowl of Smarts.”
Sa kabuuan, ngayon ay mayroon 95 eskuwelahan sa buong Estado ang nakalahok sa programang robotics na hands-on.
Ibig kong kunin ang sandali upang kilalanin ang ilan sa mga estudyante at ang kanilang mga tagapayo na kasama sa mga makikipagpaligsahan sa Regional First Robotics Challenge sa Marso.
Ang mga batang ito at ang kanilang mga may gulang na guro ay inspirasyon para sa akin sanhi ng kanilang walang takot na pagharap sa kanilang kinabukasan.
Ang kanilang sigasig ay nagbibigay sa akin ng pag-asa para sa kinabukasan ng ating Estado.
Ang ama ng robotics sa Hawai’i, si Art Kimura, at ang kanyang kabiyak, si Rene, ay naririto ngayon kasama ang kanilang mga estudyante at ang kanilang mga guro mula sa Waiakea at Hilo high schools sa Big Islang; Waimea High School sa Kaua’I; Baldwin High School sa Maui; at Nanakuli, Maryknoll, Punahou, McKinley, St. Louis, Farrington, Moanalua, Kapolei, Waipahu, Hawai’I Baptist Academy, Campbell, ‘Iolani. Waialua, Sacred Hearts Academy at Kamehameha high schools sa O’ahu.
Mangyaring tumayo kayo at makilala.
Ang ating mga gawain sa promosyon ng inobasyon ay kinilala noong nakaraang taon ng National Governors Association noong piliin tayong isa sa mga anim na Estado na tumanggap ng grant na pinondohan ng Bill and Melissa Gates Foundation at Intel Corporation.
Sa kabila ng aking pagkasiya sa ating progreso, alam kong marami pa tayong kinakailangang gawin upang masiguro natin ang higit na marikit na bukas para sa susunod na henerasyon.
• Iminumungkahi natin ang pagsisimula ng Creative Academies, na nakapadron sa tagumpay ng STEM Academies, upang maaruga at masuportahan ang mga talento ng mga keiki ng Hawai’i.
Ang mga akademyang ito ay magbibigay ng pokus sa animation, digital media, game development, at pagsulat at paglathala sa elementarya hanggang high school.
• At hinihiling namin sa Lehislatura na ipasa ang tax deduction hanggang sa $20,000 kada taon para sa mga magulang o alin mang miembro ng pamilya na nag-iipon para sa edukasyon sa kolehiyo ng isang bata.
• Iminumungkahi naming ang paglikha ng Commission on Higher Education na binubuo ng mga presidente ng mga medyor na unibersidad ng Hawai’i, ng mga miembro ng komunidad, at ng mga lider ng negosyo.
Ang Commission na ito ang magbibigay ng oportunidad upang maharap ang mga bagong ideya at mga bagong paraan sa paggamit ng dolyar pang-edukasyon mula sa federal at estado.
• At muli sa taong ito ang mungkahi natin na maglaan ang state retirement fund ng $100 milyon na puhunan para sa creative ideas at mga talento ng mga kumpanya ng Hawai’i at mga tao.
Sa inyo ang aking panata na hangga’t ako ang inyong Gobernador, sisikapin kong matamo ang mga ito at iba pang mga aksyon na maghahatid sa transpormasyon ng ating ekonomiya at sa higit na mataas na istandard ng buhay.
Ito ang pinakadakilang pamana nating lahat na ating maiiwan sa panahon ng ating panunungkulan sa gobierno.
ENERHIYA
Isa pang layon na ibig kong makamit ng buong pagsisikap sa susunod na tatlong taon ay ay kasarinlan at seguridad sa enerhiya.
Kasing-importante ito ng lahat ng ating mga gawain sa susunod na talong taon.
Sa ngayon, ang Hawai’i ang pinakadependenteng sa langis sa lahat ng estado ng Amerika…at kinakailangan mabago ito!
Ibig sabihin ay ang pangangailangang lumayo sa kasalukuyan nating sobrang pagdepende sa langis at paboran ang renewable energy…at gawin natin ito ng higit na mabalis kaysa sa gusto ng iba at higit sa paniniwala ng iba pa na posible ito.
Marami ang ating naisakatuparan mula ng ilunsad natin ang programang Energy for Tomorrow 2006, na una nating tunay na kolektibong pagtatangkang mabago ang ating energy paradigm.
Tunay na nagpapasalamat ako sa komunidad at industriya sa kanilang suporta sa programang ito, at ang suporta ng Lehislatura ay buo at bipartisan.
Mayroong apat na mambabatas sa partikular ang naging kabahagi sa aking nais sa pagbabago, at tunay na tumulong sila sa matingkad na pagkurba mula sa abot todong dependensia sa langis tungo sa isang landas sa seguridad sa enerhiya.
Ibig kong pasalamatan sina Senador English at Hemmings at Diputado Thielen at Morita sa kanilang tuloy-tuloy na paghihikayat at sa kanilang sigasig.
Upang mapabilis ang progreso natin tungo sa energy security at sa kinabukasang may malinis na enerhiya, nirereoganisa ngayon ang Department of Business, Economic Development and Tourism upang maitatag ang Energy Division.
Bawat lingo, ang aking mga departamento ay binibisita ng mga developers ng renewable energy—mula hangin hanggang solar, mula alon at ocean thermal tungo sa biofuel, mula algae hanggang sa enerhia ng kalawakan!
Kinakalangan nating umaksyon upang magiging madali para sa ganitong mga proyekto ang kanilang pagsisimula at upang magtagumpay sa Hawai’i.
Ipagpatuloy natin ang pamumuno sa pamamagitan ng ehemplo, kapwa sa mga uri ng mga gusaling ating itatayo at sa paghihikayat ng intra-governmental purchases of power upang ang mga gobyernong federal, estado, at county ay magagamit ang kanilang assets sa pagsisimula ng kanilang produksyon ng kanilang enerhiya, at, kung angkop, bigyan ang mga gobyerno ng pagkakaton na bumili ng power na diretso mula sa mga suplayer na bago at non-utility.
Mga kulang-kulang na dalawang linggong nakararan, inanunsiyo ng ating Airports Division ang isang planong historik na magdebelop ng malaking solar power arrays sa 12 lugar ng gobyerno sa buong Estado.
May potensyal ang proyektong ito na bawasan ang pangangailangan ng Hawai’i na mag-import ng 130,000 na bariles ng langis kada taon, at makagawa ng sapat na power para sa 9,000 na kabahayan sa bawat taon.
Ito ang isa sa mga pinakamalaking solar initiatives ng isang gobyernong estado sa buong bansa.
Ito at iba pang ating mga pagsisikap ay nakakakuha ng atensyon at suporta sa bansa.
Ikinagagalak ko ngayon na ipaalam sa inyo na sa susunod na linggo, ang Estado ng Hawai’i at ang U. S. Department of Energy at papasok sa isang walang katulad at inobatibong partnership na tinatawag na Hawai’i Clean Energy Initiative.
Ang partnership na ito ay base sa bisyon ng Hawai’i na kinakailangan ang puspusang transpormasyon nito tungo sa isang clean energy future sa pamamagitan ng paggamit ng mga pinakabagong pambansa at global na tuklas, at ang ating mayamang natural na sorses ng enerhiya ay magbibigay sa ating posisyon upang magiging modelo sa mundo at ipakita ang maaaring magawa sa pamamagitan ng pagdebelop ng indigenous renewable energy.
Ang partnership na ito ay magbibigay ng ayudang teknikal at pondo sa proyekto sa Hawai’i.
PAGTATAPOS
Ang subheto ng partnership ay naghahatid sa akin sa pinal na subheto tungkol sa ibig kong talakayan sa inyo sa araw na ito.
Kanina, sinabi ko na hindi natin maaaring gawing baka-bakasali o kaya ay ipagbibili ang ating mga sarili sa karangyaan, subalit naniniwala ako na mayroon tayong kakayahang bilhin ang kapiraso ng ating kinabukasan.
Iminumungkahi ko na bilhin natin ang 850 na acre na Turtle Bay property sa
O’ahu North Shore.
Naniniwala ako na ito ay isang minsan-lang-sa-isang henerasyon na pagkakataon upang mapreserba kapwa ang estilo ng buhay para sa mga libong residente, at ang bahagi ng Hawai’i na natutuhan nang mahalin ng milyong tao sa mundo at nakikilala nilang tunay na Hawai’i.
Ang pagbili sa importanteng pag-aaring ito ay maglilikha ng oportunidad para sa komunidad upang mabigyang hugis ang bisyon para sa parteng ito ng North Shore.
Ang isinaayos nga Turtle Bay Hotel at mga condominiums ay kasalukuyang nagbibigay ng mga trabaho sa komunidad. Ang kanyang mga restoran ay nagsisilbing isang mapag-anyayang lugar para sa mga pamilyang lokal at mga bisita sa kanilang pagkakasiya sa isang Sunday brunch o ispesyal na family meal, at ang mga golf courses ay mga kilalang host ng mga internasyunal na mga tournament.
Kinikilala nating ang mga kontribusyon ng mga ito sa ating Estado, at ibig natin magiging tuloy-tuloy ang kanilang tagumpay.
Subalit kung papaano na ang balanse ng lupa ay makatugma ng kung ano ang umiiral ay isang bagay na kinakailangan ng pagpapasya nating lahat kasama ang komunidad.
Binigyan ako ng sigla ng mga lider ng komunidad at mga residente ng North Shore, na sa pamamagitan ng kanilang pagkilos, ay nagawang ipreserba ang iba pang mga lupa para sa publiko.
Inimbita ko ngayon ang ilan sa mga lider ng komunidad upang samahan tayo sa araw na ito.
Ibig kong makilala ninyo si Larry McElheny, pundador at miembro ng board of directors ng North Shore Community Land Trust; si Denise Antolini, direktor ng Environmental Law Program at UH Richardshon School of Law; at Lea Hong, direktor ng Hawai’i sa Trust for Public Lands.
Mangyaring tumayo sina Larry, Denise, at Lea upang makilala ang inyong pagpupunyagi na maprotektahan ang mga importante lupa para sa henerasyon sa hinaharap.
Inaasahan ko na may mga ilang tao, kasama ang mga mambabatas, na magtatanong tungkol sa mungkahi kong ito na mabili ang mga lupang ito sa panahon na hinaharap natin ang maraming pangangailangan, at sa panahon ng pagbaba ng paglaki ng ating rentas.
Risonable ang ganitong tanong na tatanungin, subalit si Larry, Lea, at Denise, at libo pang iba na nababahala sa kung anong uri Hawai’i ang ikatutuwa ng mga henerasyon sa hinaharap, ay nakahanda upang tulongan tayo.
Ang mga nakaraang tagumpay natin sa pagpreserba sa Waimea Valley at Pupukea-Paumalu at ang abilidad nating isalba ang Kukui Gardens affordable housing ay nagbibigay sa akin ng sigla upang maniwala na ang Lehislatura at ako ay maaaring magtrabaho kasama ang komunidad upang maisakatuparan ito.
Iminumungkahi ko na ang Lehislatura, ang aking Administrasyon, at ang mga lider ng komunidad ay magbubuo ng isang working group upang siyasatin ang mga opsyon at madebelop ang planong aksyon upang masiguro na ang pag-aaring ito ay mananatili sa mga kamay ng publiko.
Pinag-isipan ko ng mabuti ang iminumungkahi ko ngayon, at naniniwala ako sa aking puso na ito ang tamang bagay na gawin ng mga nangabubuhay sa ngayon, at para sa mga isisilang sa mga dekada sa hinaharap.
At naniniwala ako na ito ang pinakatangi-tanging sandali para sa ating lahat—isang sandali na nagsisiwalat sa mga bata na inaaruga natin ang kanilang kinabukasan higit sa ating pag-aruga sa ating kasalukuyan.
Kaya, imbis na sipatin ang mungkahing ito na mahirap o dili kaya ay imposibleng mangyari, hinihiling ko na tingnan natin na ito ang tama nating gawin, at kapag nagsasama tayo ay makakahanap tayo ng paraan upang ito ay mangyari.
Pinag-isipan ko na ang di bababa sa isang dosenang paraan na maaari nating pagkakambal-kambalin sa revenue streams upang makalikom tayo ng pondong pambili.
Kasami rito ang pagbili sa resort portion ng pag-aaring ito upang mabayaran ang pagkakautang, ang pakikipagpalitan sa iba pang lupa ng Estado, ang malikhaing paggamit ng tax credits na ilalagak sa mahabang panahon, ang tax check-off para sa ating income tax returns, ang private grants, ang paglaan ng Legacy Land Funds, ang federal conservation dollars, at and buong mundong Internet fundraising campaign, “Save Hawai’i’s North Shore.”
Alam kong may mga iba pang mga ideya, subalit ang punto ay ang aking paniniwala na ito ay kapwa maaaring gawin at esensyal sa proteksyon ng estilo ng ating buhay.
Ang North Shore ay isang importanten balbula ng pagtakas sa patinding urbanisadong estilo ng buhay ng O’ahu.
Isa itong lugar na pagdadalhan natin ng ating mga bisita kung ibig nating maranasan nila ang “tunay” na Hawai’i.
Isa itong lugar na nagbibigay sa atin ng kasiyahan sa pamamagitan lamang ng pagpunta doon, kahit hindi tayo madalas magpunta.
At ito ay isang komunidad ng mga residente na pinili ang North Shore sapagkat nagbibigay ito ng higit na mabagal, at mas rural na estilo ng buhay.
Isang walang muwang ang pag-iisip ang magsasabi na ang pagbili ay magiging madali.
Ang istruktura ng land ownership ay masalimuot at ang utang ay napakalaki.
Subalit, komited ako na ang mga lupang ito ay mananatili sa mga kamay ng publiko.
Ang tawag ng mga residente ay ang “pagpapanatili sa nayon na nayon.”
Ang tawag ko dito ay pagtutupad sa ating mga komitment sa susunod na mga henerasyon…at hinihling ko sa bawat isang nakikinig ngayon na samahan ako sa gawaing ito.
Bago ako magtapos sa umagang ito, muling ibig kong pasalamatan ang mga tao ng Hawai’i sa inyong tiwalang ibinigay sa akin, sa inyong pagtanggap sa akin bilang bahagi ng inyong ‘ohana, at sa pagbibigay sa aking sigla upang maharap ang mga malalaking hamon ng ating panahon.
Sa huli, ibig kong malaman ninyo na tunay na minamahal ko ang aking trabaho. Pinahahalagahan ko ang pagiging Gobernador ng Hawai’i…gobernador ninyo. Wala nang hihigit pang trabaho sa mundo.
Habang dumadami ang oportunidad para sa aking paglalakbay sa ibang estado at sa ibang bansa, nagiging lalong malinaw para sa akin na ang mga tao sa Hawai’i ay katangi-tangi sa buong mundo, at, wala nang hihigit pang lugar sa mundo kundi ang mga islang ito.
Madalas, ang musika, higit sa mga salita lamang, ang nakakapagsiwalat ng ating tunay na damdamin.
Ibig kong tapusin ang aking Diskurso sa Estado ng Estado itong taong ito sa pamamagitan ng di kumbensiyunal na paraan…subalit isang paraan na inaasahan kong makakasalig sa inyong puso.
Iniimbita ko kayo na makinig ng mabuti sa mga salita at pakiramdaman ang musika ng Kaukahi, na buong ganda nilang nasapol ang esensiya ng kung ano ang nararamdaman natin para sa ating tahanan—ang Hawai’i.
Ang Kaukahi ang nanalo sa 2007 Na Hoku Hanohano Awards for Group of the Year, Song of the Year, at Graphic Art for Album Design.
Ang mga miembro nga Kaukahi ay sina: Barrett Awai sa upright bass, Dean Wilhelm sa gitara, at Kawika Kahiapo sa electric bass.
Alam kong masisiyahan kayo sa pag-awit para sa inyo ngayon ng Kaukahi sa kanilang “Life In These Islands,” ang kanilang Na Hoku Hanohano Award winning Song of the Year.
Mga kababayan, damhin natin ang mga salita at musika ng…Kaukahi!
No comments:
Post a Comment